Wednesday, January 30, 2013

Battle




Many times, I woke up early in the morning battling for the right times, battling for the right reasons on what I have done wrong why I am experiencing these things right now. Though, we are still living in a world where the norms need to be followed, thus the pattern of the same old stories, judging and mocking are some of the reasons why we need to act the way how people want us to be.

 But, how can we express our own feelings where in, we done no wrong but to help, but in these crises I am having the scene of morality is somewhat different on what others are saying. If only I could turned back time, I think I will still do the same, but the battle between the manners of doing this is the only things that must matter for the next time it will happen again.

Feeling of being loved and beloved are the most enticing experienced I had, but the feelings of being hurt, never had I prepared for this part. Sometimes, we can’t deny the fact that when we felt happiness inside, sooner or later, loneliness comes on our way to balance the reality of life, we can never be happy for the rest of our life.

Paggalang




Salamat, salamat
Anuman ang nangyari
Tanggap mo parati
Paggalang, nanatili

Kung sa aki’y madala
Puso ay nagsalita
Nagawang pagtalima
Unawa isinakatuparan

Mali mang makita
Sa iba ang nagawa
Ipagpaumanhin
Aral natutuhan na

Kung sa pagkakataong ito
Karangala’y nadaganan
Huwag mag-alala
Kamalian sa tama,iisa na nga

Isiping ginawa man
Tayo’y may pagkakasala talaga
Ang mas mahalaga
Nandun ka para sa ating dalawa


Mali man o tama
Dahilan pakinggan
Masama man sa una
Paghusga, huwag kara-karaka

Katotohanan ng Buhay




Kung iisipin mo
Sarili na buksan
Masakit  palang talaga
Totoong  tao ka,minasama pa

Masamain man ng iba
Huwag intidihin,balewalain
Hinanakit ng sarili
Nagsasarili, nagkukubli

Kadalasan ang tao
Pagkatiwalaan nang lubos
Gagawin ang lahat
Maitaas sariling nasa

Mata’y ko mang isipin
Sakit minsa’y dapat tanggapin
Anumang kinahihinatnan
Aral, nandun  at maiiwan

Dakila Ka




Kadakilaan mo’y
Akin nang nabata
Sa kahusayan
Kapara’y wala

Isang umagang
Paggising may kaba
Isiping nandyan ka
Maghapon, kumpleto talaga

Nakilala ka
Hindi sinasadya
Puso’y  mapiit talaga
Salamat, nariyan ka pa

Bigo man




Ang puso ko
Hinahayaan kong umibig
Mabigo man ito
Tiyak may isang mag-aankin nito

Never will you be forgotten


Later this afternoon, I felt sad for the text message I have received from somebody. He was one among my neophytes friend, and yet he became open in his life in me, and so why not must I do the same.

For a short period of time, he had told his stories regarding his life now and then. Though, I don’t know if all had been stated, what I knew was just a few.

He ventured for loved a lot, until one day he found himself in the arms of a girl whom he thought will be his partner for life, waking up one day that this girl got pregnant and he is the father. They lived in together, both in an early age. Until, their eldest died because the baby delivered just seven months old, then they tried for another and this boy is now ten year old, but sad to say, they separated. The girl got married to another man and he was left alone, ventured for many girlfriends, but nobody stayed beside him for he is already a single dad, though the child is in the custody of the girl’s parent, he just gave financial support whenever possible for him.

To show honesty, he always told to each girl he courted that he is a single father already, and every time they heard about it, they turned him down, but he never regrets any, for at least he became honest in them.

We accidentally met on facebook and became friend. He struggles in life so hard, he never had a regular job for he is an undergraduate nursing student then. To support his child, he became a pan de sal vendor somewhere in Laguna and took percentage for every pan de sal he sold, and usually had a commissioned of Php30.00 up to Php50.00 a day, he is doing it, until today…, I received a text message from him….

We were also textmate because everytime he finished selling pan de sal early in the morning, whenever he has load, he ask me how am I and what am I doing to start the conversation. I always say, I am busy in the school, with the children. Busy for extra work assigned such as going to the district office to submit report, to the division office for a meeting and the likes.

Later this afternoon, he texted me, “I am here in Carmona, Cavite.” I said, “Why did you leave Laguna?” He replied, “I will tell you soon take care.” I knew something bothering him, and so I kept on telling him to tell me what about it because he told me he don’t know if what he will be doing is right. So in short, he is hesitant to tell me the reason. I texted him that no matter what he will be doing, whether it is right or wrong, the battle between them is not a matter anymore, whether it is right or wrong, as long as you have the right reason, then it is right. Then he stated this….


“Somebody in Makati wanted to be with me. This person send me money and so I went back home to get my clothes and be with this somebody. I will be doing this not for me but for the people who needs my help….”

I was shocked but at the same time hurt on what he will be doing but he gave his reason and so I respected him. To show respect I just parted these words in him through text message….

  “I got shocked and struck by the statement u had. But you have your reason, I understand you. I do hope that you will be happy and hope you find yourself one day, leaning on someone else’s shoulder whom hoping to be the part for the rest of your life. “

I also texted these….

“You are the master of your ship, wherever you go, it is your choice and I do hope you find your happiness.”

Though, it’s sad to note that because of scarcity in life he needs to be with somebody just for the sake of earning enough money for somebody who needs his financial support, it is his choice, and I hope he will be happy wherever he is right now.

“Tol’” as what we used to call each other, “my prayers are with you. God bless.”

Tuesday, January 29, 2013

Nabasa ko sa isang leaflet
Huwag kang mamuhay sa takot
Huwag kang mamuhay sa kaba
Hangga't nandyan SIYA

Dapat nga
Oo nga,tama siya
Anuman ang mangyari
Sa likod nandun SIYA

Salamat
Araw araw nandyan Ka
Di mo kami pinababayaan
Di mo ako kinakaligtaan.

Monday, January 28, 2013

Pagsinta


Sa huling kasama kita
Mula noon hinahanap ka
Mula noon ninanais
Muli, tayo ay maging masaya

Saturday, January 26, 2013

Pag-ibig


Kaysayang Umaga

Tingnan ang umaga
Masaya ang makikita
Kung sa pagsinta labis
Ikaw ang matataranta

Hindi man akalain
Pag-ibig wariin
Sana manatili
Ikaw na lang sana

Ikaw ang umaga
Hanap sa twina
Harinawa makasama
Ikaw ang ninanasa

Salamat sa pusong
Ikaw ang napatira
Manahan ka magpakailanman
Nanaisin kahit kailan

Umaga

Saan ang umaga
Kung tulog kulang pa
Kung kaya lng sana
Maghapon tulog pa.

Friday, January 25, 2013

Scouting


Masarap isiping balikan ang kabataan,
Araw na kay saya
Gabing di maipinta
Makatulog dili ka

Sa Scouting natin
Masayang alalahanin
Walang tubig,liligo
Wala pang pagkain, gutom na

Di makitang neckerchief
Asan ka
Carabao slide na nagtatapo pa
Haist pumito na,late kang scout ka

Lumipad ka
Bawal ang tumakbo
Bilisan mo
Late na tayo.

Mahirap na masaya
Pangkalahatan,matututo ka
Masayang karanasan
Bagong kaibigan,pakikibaka.

Monday, January 21, 2013

Pigilan Man




Isipin mong minahal kita
Nagmahal ka man tama na
Isipin mo, isipin mo
Nagmamahalan tayo

Bakas sa letra mo
Wagas nakikita ko
Nakilala natin tayo
Pigilan man, di mababago






Vivencio Panganiban

.


Now and then





        I commend you for the best things you have done unto me. Never will I imagined that your worth was worthy until you were gone. The fire of encouragement, the strength of challenges, you were the only reason why I exceeded before…, why I succeeded then…, why I excel until then. Now that you were gone, now that you were faded, commendation was given unto you; you were the best thing that happened unto me.






Vivencio Panganiban

Hanggang




Hanggang kailan
Hanggang saan
Hanggang hanggan
Ay magka-hanggan

Hanggang hanggan
Ikaw ang tangan
Hanggang ikaw hanggang ikaw
Hanggang ditong hanggan

Hanggang hangganan
Hanggana’y makamtam
Hanggang ikaw sa akin
Hanggang tayo’y magkapiling






Vivencio Panganiban

.





Sana




Sa gitna ng pag-aasam
Laging nag-iisa
Masaya na ang kausap ka
Masaya na ang nandun ka

Huwag sanang mawaglit
Oras na nahirati
Kung sana’y kaya ko
Kipkipin ka sa puso ko






Vivencio Panganiban

.

It was just begun…



It was just begun…

We begun reading the text we had, we begun calling the numbers, we begun, never gone.
The audios, the music of laughter and the shredding of tears were the silent witnesses on how we did those memorable acts that had happened. It begun …never gone, hoping that those memories would come back, never know when, but the aspiration and the recognition of time won’t stop for us. It will happen that when the two persons who felt the same for each other will succeed no matter what happen, it is between the two of us, if we will let each other be freed... if we will let each other be…if….






Vivencio Panganiban

.

Naroon Ka




Ni hindi nasagi
Sa isipang munti
Ang makita kita
Ang isiping mahal kita

Huwag sanang kalimutan
Akong isa lamang nilalang
Kasalanan mang ibigan ka
Ipagpatawad nadama ko na






Vivencio Panganiban

.

Dito Tayo





Sa gitna ng unos
Sa dulo ng agos
Mapaparoon ako
Sa iyo tutungo

Ayaw mo mang tanggapin
Pagmamahal na pag-angkin
Aasahan na rin nito
Kaparehong pagtanto

Sana paggising mo
Masayang umaga pa rin
Isipin mong ako
Isipin mong tayo

Ikubli man ng ulap
Takluban man ang araw
Nandun ang liwanag
Magniningning, magmumulat

Itago mo ako
Sa pakpak ng pagmamahal
Sa kasalanang dala nito
Naging maligaya tayo

Sambit




Salita ang sambit
Kilos ang waring saksi
Hanggang kailan ako
Hanggang saan ako

Pag-indayog ng sayaw
Paglundag ng puso
Naroon ikaw
Napapasaya ako

Tandaang mabuti
Narito ang puso ko
Maghihintay sa ‘yo
Nandito lang ako

Kaligayahan kong ito
Walang mapagsidlan
Ang makita kita
Kaligayang walang kapara

Hanggang




 Hanggang…
Sa lumipas na sandali
Kay hirap limutin ang mga sandali
Kaakibat na twina, sandaling nalipi
Mga sariling saksi, piping walang hapis

Ni ang buhay na sinimulan
Walang kahantungang daan
Ikaw ang nagasabi
Ikaw, ikaw, ikaw

Sa hikbi ng gabi
Sa saliw ng awit
Nitong yakap at ngiti
Naliligalig ka, umaawit mandin

Sa nakaraang sandali
Nalimot ang dati
Sa nakaraang saglit
Sumaya’t nahirati

Maghihintay roon
Sa dulo ng mundo
Walang hanggang patid
Maghihintay,maghihintay

                                                                                                                                  Vivencio Panganiban


Sunday, January 20, 2013

Nananabik


Inakala ko makakayanan ko na hindi itaas ang lebel ng nararamdaman kong ito
subalit ang pagdadala sa ating kapwa palasyo
ang siyang nais kong hiling sa isa't isa
Samahan mo ako sa aking pag-iisa

Sa iyong paglisan ako ay nawalan
sa araw araw na ginawa na lang
ikaw ang nais makamtam
ang yakap mo nais nais ko

kailan uulitin
tamis ng ating pagsasarili
ninanais ka
hinihintay ka

                                                                                                                                   Vivencio Panganiban

Saturday, January 19, 2013

Ikaw na ang Bahala


Ikaw na ang Bahala

Saan ka pupulutin?

Hindi ko kailanman naisip na ang mga bagay na aking nararanasan ay kulang pa upang matutunan ko ang halaga ng buhay.

saan mo pupulutin ang totoong taong magpaparaya upang unawain, mahalin at manatiling tapat sa iyo hanggang sa huli?

Tanging ang pagbabago ang nananatiling bahagi ng isang pangmatagalang kaagapay sa buhay. Hindi mo ninais na maranasang masaktan,subalit ang sakit na iyong mararamdaman ang siyang magiging dahilan ng iyong katatagan.Sa isang blog ng isang malapit na kaibigan, ninanais niyang mahilom ang sugat na nalikha ng isang mapait na kahapon at patawarin ng ganun na lamang ang nagkasala sa kanya. Hindi na rin niya ninanais na mabago pa ito, tanging paghilom na lamang sa sugat na nilikha ng kahapon. Nawa matularan ko ang kanyang naisin. maalis sa isip ang munting paghihiganti.

Sana,sana....



Saturday, June 9, 2012

I Love You, Just the Way You Are


How I wish you will be with me forever.

I never felt this feelings as intense as before I had fell in love.
The more you come closer to me, the more I fell for you.

An extra-ordinary event happened one evening as you asked me if I could be your FB as facebook friend and at the same time, you want me to be your BF, boyfriend.... 

I was not hesitant, I knew you a bit, and I answered YES, I could be your both, bf and fb. And the sweet moments happened.
You became part of my daily life. I thought of you even at night, before I go to sleep, I thought of you even in the middle of the night, and at the moment I woke up early morning, I thought of you and usually look for my cellphone to see if you are awaken already because I want to see if you texted me.

I loved reading your text message saying, "Good morning bf, I love you".

Short messages come from the person you love but it struck my feelings so deeply. 

How I wish you could be with me  forever, for I don't know what to do and where to go, if you walked away from me, and I don't want this to happen. I want to spend my lifetime loving you... 

I love you, just the way you are, because I accepted you for who you are and what you are.... 

Monday, January 23, 2012

Den Mar

Hindi ko naisip minsan may mga bagay tayo na taken forgranted.

Paano mo makikita ang mga taong nagmamahal sa iyo ng totoo kung nakabaling ka sa pagmamahal ng mga taong mas higit ang pagpapahalaga sa iba?

Kay sarap isipin na sa iyong madalas na pagbalewala sa kanila, ikaw pa rin ang kanilang una at huling hahanapin.

Sa pagmamahal ng isang kaibigan, hindi ko mawari na may isa pala akong naiiwan,hanggang sa paglingon ko, tahimik pala siyang nakasubaybay sa akin upang ako'y alalalayan sa panahong maari AKONG madapa.

Sa aking kaibigang totoong nagmamahal, salamat sa iyo.

Sa mga itinuturing kong kaibigan ang hanap ko, totoong kaibigan.

Binasa kong muli ang mga blog ni Den Mar, sa unang pagbukas ko nito, muli,naging masaya ako sa kanyang post. Nandun ang Scouting photos namin noong nakaraang ATC namin sa Makiling. Masayang masaya ako. Yung mga natatagong larawan ng kahapon, bumalik sa aking gunita. Gayon na lamang ang aking pagkatuwa.

Subalit, unti-unti napalitan ito ng kalungkutan sa mga sumunod na muling post na kanyang isinulat. Ramdam ko sa kanyang mga isinulat ang kalungkutan sa kabila ng pagiging matapang sa bawat pagsubok, dahil tulad ng isang awiting "The Warrior is A Child" nandun pa rin yung isang Dennis na nasasaktan kahit nauunawaan ang buhay dahil sa pagiging seminarista.

Ang hirap ng sitwasyong ang taong malimit magbigay  ng payo sa ibang tao upang gumaan ang kanilang pinoproblema, ay dumaranas rin ng malaking pagsubok sa buhay. Sa bagay, bilang isang tunay na kaibigan, bagamat ako ay malayo sa kaniya, naipapapaabot ko ito sa pamamagitan ng aking mga panalangin.

Dennis, maraming salamat.

note: Den Mar is our Permanent Patrol Leader in Patrol Tikling last ATC May 2011,  best friend and true one as well.

Friday, January 20, 2012

Korean’s at It’s Best

I always find time watching Koreanovelas.

Another Koreanovela struck my attention as I start getting addicted to the newest Koreanovela from the Kapuso network. It’s “Dongyi”

I loved the setting of it because it highlights the old tradition of the Koreans, having the king and the Queen, and of course the different servants that give colors to the drama in every scenarios.

The plot, the characters are usually Asian style, the antagonists and the protagonists are usually seen even at the very beginning. The only thing that differs  from the Philippine teleseryes are the type of drama and the settings.

Filipino directors let the audience feel the heaviness of its scenes through resolving such actions in a very long process, while the Koreans usually let the solution to the problem be settled in a short span of time, but it doesn’t mean the series of action has come to an end.

The moment the action has given an ending, more spectacular will be awaited as the story goes on.

In this series, the main character named “Dongyi” become part of the Kingdom were in the “Punung Hukom”  which she knows before is the “King” of the palace where she will spend her life being the servants of the king.

Without any knowledge, she entered in a place where the King who is known by her as Hukom is being ruled by the person whom she knows before she entered the palace.

Dongyi, who is envied by many tried to kick out in the department where she supposed to be part of , because she was not able to pass the examination given to her.

Through her courage, she looked for reasons that will let her stay in the department where one among the Queens of the palace has given her the chance to enter.

As the novela goes on, more excitement and more suspense and kilig moment will happen and is being clamoured  by the avid viewer like me.

I was first fall to the Koreanovelas by “Jewel in the Palace”.

The struggle of the main characters were the same, the only different is that, the Jewel in the Palace’s main character cooked well and the King fall in love with her.

Dongyi, the main character, might fall to the King for his being righteous and at the very beginning the King, really fall for Dongyi.

How the story will end, nobody knows, twists happened, but still they will live happily ever after.

I love this Koreanovela.






Vivencio Panganiban

.

Wednesday, January 11, 2012

Si Nicole



Bunso sa dalawang magkapatid si Nicole, panganay si Ate Angel ,kung aming tawagin.

Pamangkin ko si Nicole, Ninong Jun ang tawag niya sa akin. Bagaman hindi ko naman siya inaanak, eh ninong pa rin ang tawag sa akin na nakagawian na ng lahat kong mga pamangkin, si Ate  Angel ang aking tunay  na inaanak.

Maliksi, matanong, bibo, makulit , payat pangangatawan, may kayumangging balat, mahilig makipagkaibigan kahit na kanino at sasagutin ang iyong tanong anuman ang iyong maitanong, hangga’t abot ng kanyang kaisipan, matanong rin siya.

Si Nicole ay ipinanganak bago pa mag-isang taon ang kanyang Ate Angel sapagkat nagdalang-tao ang kanyang ina ilang buwan pa lamang ang panganay  na si Ate Angel, kung  kaya’t malimit na napagkakamalan silang kambal bagaman, mataba si Ate Angel.

Kakaibang bata si Nicole. Hindi mo siya makikitaan ng kahinaan ng loob sapagkat ipapadama niya na matatag siya kahit kalimitan siya ay napapagalitan ng kanyang mga magulang dahil sa kakulitan. Gayundin ako, ang kanyang Ninong sapagkat malimit ay naiinis ako sa kanyang kakulitan, subalit kamalian ko iyon, dahil hindi ko siya inuunawa.
                            

Lagi siyang humahanap ng atensyon, sapagkat mas malimit mapansin ang kanyang Ate Angel dahil mas maamo ang kanyang mukha kaysa sa kanya, subalit mabait rin si Nicole. Nakikipag-agawan siya ng atensyon malimit kay Ate Angel sa kanyang Lolo Ben at Mama Teten kung tawagin nila ang kanilang lolo at lola na aming mga magulang.

“Sino kaya ang mahal ni Lolo Ben?’” aniya minsang nakahiga sa binti ni Lolo Ben kasama sa tabi si Ate Angel. Makailang ulit siyang mag-ulit sapagkat hindi napupunta sa kanya ang huling turo na nangangahulugang mahal rin siya ni Lolo Ben niya. Kung kaya’t nakuha niya ang teknik na dapat ay una muna niyang ituturo ang kanyang sarili upang huling mapapunta sa kanya ang turo ng kamay na nagpapakita na mahal rin siya ni Lolo Ben, at tuwang-tuwa siya.

Madali mo siyang pakiusapan. Palibhasa’y malimit mapagalitan ng kanyang Mama Teten dahil na rin sa kakulitan. Minsang nakisuyo si Mama Teten sa kanya na hilutin ang kanyang binti sapagkat ito ay masakit, hinilot ni Nicole ito hanggang sa mapadta ang sakit ng binti ng kanyang Mama Teten at hindi siya nagrereklamo. Masaya siyang nakakapaglingkod sa kanyang Mama Teten na hindi man maunawaan ni Nicole ay pantay naman ang pagtingin sa kanilang  dalawa ng kanilang lolo at lola, bagaman laging napapaboran ang kanyang Ate Angel dahil sa ito ay tahimik at hindi makulit.

Si Nicole ay batang mag-aaral sa kindergarten, sa paaralang aking pinagtuturuan, ang San Antonio I, sa lunsod ng San Pablo. Guro niya si Mam Lubong, “Besfren” kung aking tawagin. Malimit siyang tampulan ng pansin ng kanyang guro sapagkat kahit sa paaralan, nadala na ata nitong si Nicole ang pagiging papansin.

Dinidilaan nito ang kanyang guro kung ayaw niya sa ipinagagawa. Hindi nagsusulat subalit mahal niya si Mam Lubong dahil kahit masama ang kanyang pakiramdam, ayaw na ayaw niyang liliban sa klase nito. Sa tuwing ako ay aalis ng bahay kahit walang pasok, lagi niyang itinatanong, “Ninong Jun, may pasok ka? Bakit kami wala?.”
Ipinapaliwanag ko na lamang sa kanya na ako ay may pupuntahan lamang at hindi sa eskwelahan ang aking patutunguhan. Kung minsan naman, at kailangang lumiban dahil masama ang pakiramdam ng kanyang ina ay parang ayaw pa rin nitong lumiban at gustong sumama sa akin. Dangan nga lamang at dala ng aking kaabalahan hindi ko siya maasikaso kung kaya’t napapaliban na rin siya.

Magtatapos na ang taon, Enero na hindi ko natitingnan kung marunong na bang bumasa si Nicole, subalit alam na niyang isulat ang kanyang pangalan.

Sa loob ng aking silid silang mag-ina namamalagi dahil sa umaga lamang ang kanilang klase. Habang hinihintay si Ate Angel na Grade I na ay nakikipaglaro sa oras ng walang klase si Nicole sa aking mga estudyante, at mayroon na siyang mga kaibigan rito.

Isang umaga, nabigla ako nang may ngumingiyaw na pusa sa aking silid. May pusa palang dala si Christian,ang aking estudyante. Tinanong ko kung para kanino ito.  Iyon pala ay nanghingi ang aking kapatid para sa kanilang bahay.

Tuwang-tuwa sina Nicole at kanyang Ate Angel. Ang dalawa ay mapagmahal sa hayop.

Si Muning, ang ipinangalan nila rito. Malimit, himas-himas ni Nicole si Muning. Minsang isang araw ay sumabay pag-alis ng bahay si Muning kina Ate Angel at Nicole , kasama ang kanilang ina. Pag-uwi nang hapon, wala na si Muning. Nalungkot lalo’t higit si Nicole.

Matapos ang isang lingo, nakita nina Mama Teten at Lolo Ben si Muning. Nakita pala ng aming kapitbahay na gumagala-gala sa daan at kinuha at kanilang iniuwi. Itinanong nina Mama Teten at Lolo Ben kung kanila ba itong pusa at sinabing napulot nila ito sa daan,kaya’t gayun na lamang ang tuwa ni Nicole nang maiuwi si Muning. Hinimas-himas at parang isang kapatid na matagal na nawala sa kanyang pilling at kanya pa itong kinalong.

Kauuwi ko pa lamang sa bahay isang araw nang makita kong malungkot si Nicole.

Nawawala na ulit si Muning. Nakasabay na naman pala nila pag-alis at hindi na naman nakauwi si Muning. Sinundan nila ang kanilang pinuntahan at nakita nila ito. Inilagay ni Nicole si Muning sa kanyang balikat. Masayang-masaya at galak na galak na iniuwing muli ang ligawing pusang si Muning ni Nicole.

Hindi pa man nakararating sa bahay nila, sinabi ni Nicole kay Muning na bumaba na mula sa kanyang balikat subalit hindi ito bumaba. Patakbong tumungo si Nicole sa kanilang bahay subalit nadapa siya.Hindi natinag si Muning. Hindi siya umalis sa balikat ni Nicole. Napatawa tuloy si Mama Teten na matamang nag-oobserba kay Nicole dahil kita sa inosenteng mata nito ang pagkatuwa nang muling makita si Muning.

Itong si Nicole, makulit, palatanong, subalit alisin mo na ang laruan niya huwag lamang ang mahal niyang si Muning. Madapa na siya, maligaw man si Muning, hahanapin at hahanapin pa rin ito ni Nicole, ang kanyang paboritong alagang si Muning.

Kaibigan

Hinintay ko ang pagtigil ng orasan sa bahaging gitna nito sa oras na ang lahat ay tiyak na gigising.
Alas dose na!Hindi na kailangang sumigaw pa. Ang dagundong ng putok at pailaw sa labas ng bahay ay magpapagising sa bawat isa.

Bagong taon na.

Nakahanda na ang hapag, habang ako’y matamang nanonood na lamang ng isang countdown ng isang malaking tv station. Magarbo ang bawat palabas. May awitan, may sayawan. Naalala ko tuloy ang masasayang araw naming mga magkakaibigan.

Una, ilan lamang kami, isang text lang nandyan na agad para sa isang walang kwentang pagtitipon na aabutin ng gabi at ako’y uuwi na dala ang ngiti sa labi na inihatid ng pagtitipong iyon. Hindi na ito isang simpleng pagtetext at pagtatawagan, naging adik na kung baga sa isa’t isa. Wala mang gingawang mahalaga, aba hindi nabubuo ang lingo kung hindi kami magkikita. Nadagdagan ng miyembro ang grupo hanggang sa ito ay dumami na.

Kay sarap isipin na ang pagtitipong dala ng iilan, ay talagang nagbibigay daan upang ang isa ay maging dalawa, tatlo, apat,hindi ko na mabilang.

Saan tutungo ang aking araw na nag-aasam na laging makasama ang mga kaibigang nabuo sa wala lamang. Ang hirap isiping dahil sa walang ito, nabuo ang aking pagkataong maging isang pasaway dahil sa kagustuhang maging Masaya. Pasaway na hindi sa kung ano pa man, kundi dahil sa kakaibang kaligayahang nararamdaman.

Salamat mga kaibigan. Sa taong 2012, hangad ko ang ating mas masayang pagsasamahan.

DepEd Night



Isang linggong paghahanda ang isinasagawa sa pagdiriwang ng kapistahan ng lunsod ng San Pablo.

Tuwing ika-15 ng Enero ang kapistahan ni san Pablo, ang unang Ermitanyo. Siya ay binibigyang-pugay sa pamamagitan ng iba’t ibang pagtatanghal ng iba’t ibang grupo mula sa pribado at pampublikong kawani, ma-propesyonal man o maging mag-aaral rito. May mga naka-assign na mga pagtatanghal sa bawat gabi at highlights dito ang Mardigras Festival o Coco Fest na nagwagi ng unang pwesto sa Best Festival Category, City level, sa buong bansa gayundin ang Mayor’s Night, Governor’s Night, Congresswoman’s Night, San MIguel Night at ang Lakan at Mutya ng San Pablo na nagpapamalas ng kisig at ganda ng mga kabataang San Pableno.

“DepEd Night” ang aming pinaghahandaan. Sa loob ng dalawang magkasunod na taon, ako ay bahagi ng paghahandang ito. Mula sa pitong distrito ng lunsod, isa ang San Francisco, kasama ang Dapdapan, Lakeside, Ambray, Del Remedio, Fule-Almeda at Sto. Angel. Kami ang mga gruo ng San Francisco ay abalang-abala sa paghahandang ito.

Kaming mga guro ang magpepresenta sa unang gabi para kay San Pablo, ang unang Ermitanyo.

Bonggang selebrasyon ng piyesta ang tema ng aming pianghahandaan. Isang makalumang sayaw o folk dance na ginawang remix upang makasunod sa makabagong tugtugin at panlasa ng mga manonood, lalo’t karamihan rito ay mga mag-aaral sa makabagong panahon.

“Kilangan ang lalake,  naka-costume ng jogging pants at camiso chino. Ang mga babae, Maria Clara istilo ng Bulacan. Kailangan rin ng buslo, mga bao, para sa maglalatik. Ang mga lalake, yapak lamang habang ang mga babae ay bakya. Paghandaan. Ang mga kasamahan nating distrito ay mahuhusay rin sa pagpe-perform, lalo na ang Lakeside, naku, alam ko magpapakitang gilas yan’” ani ng isa sa mga gurong kasama sa pagtatanghal.

“Tayo sa bayan, maghahanap tayo ng mga gamit para sa sayaw,  “ ani ng isa kong kasamahan. Hahanap tayo ng mga gamit natin.

“May tela po ba kayo na geena?” ang gagamiting tela para mura. “Wala po kaming kulay na inyong hinahanap.” Pawisan na kami sa kahahanap ng telang gagamitin, wala kaming makita, Hanggang sa nakakita kami ng tela sa bahaging loob ng palengke. Salamat.

Mananahi naman ang kailangan. Miyerkules na, kailangan, may makita tayo na mananahi na kayang tumahi ng telang ito na magagamit sa Biyernes, para sa dress rehearsal. Biyernes, dress rehearsal? Grabe, saan kaya makahahanap ng mananahi na in toto kaya manahi nang mabilis.

Anuman ang mangyari, hindi lamang kami ang ngarag sa paghahanda. Maririnig mo sa tindahan ng tela, mga guro naghahanap ng ganito, ganyang kulay. Alam mo na ang kanilang paggagamitan. Kasali sila sa DepEd night.

Abala ang mga gruong kasali sapagkat ipapalabas ito sa plaza, na maraming manunuod. Kami ang magiging opening ng pagbubukas ng piyesta ng bayan sa taong 2012. May kakantang mga guro na mala concerto ang dating, may magdodoksolohiya, may mga grupo ng gurong aawit bilang koro, gayundin ang makabago at maka-lumang sayaw na siyang napabigay sa ating distrito, ang San Francisco.

Pawisan na kami sa pag-eensayo. Mula ulo hanggang sa paa,oo hanggang sa pawisang paa na paghubad ko dahil pasmado ay may amoy paa talaga, hahaha. Ang basang damit ko, na pinawisan na, amoy di na maintindihan dahil sa samu’t saring amoy ng pawis, pero masaya. Magkamali, ulit, ulit dahil mali, pero hindi kami nagrereklamo, ito ay para kay San Pablo.

Bale, halos suki na kami ng DepEd night. Dahil sa bata at ako lamang ang lalaking guro sa aming paaralan, expected isa lagi ako sa ipapadala. Walang problema, basta kaya ng kalusugan para kay San Pablo, arya!

Lingo ang nakatakdang palabas. Huwebes na wala pa akong costume, sa bagay madali lamang iyon, ipinapatahi na ng ang costume namin, nakabili na ako ng camiso chino. Ang siste nito, ang mga babae, wala pang mga costume. Kaya ito.

Bukod sa ngarag sa paghanap ng costume, pagdating sa iskul, lesson plan naman ang aatupagin, Haist, dahil sa DepEd night, ang aming buhay guro ay nagkakabuhay dahil sa pagsayaw.

Balye!San Pablo!Arya!


2012

Tapos na ang 2011.

Kailan lang nang pumasok ang nasabing taong, subalit heto at hinayaan na natin siyang pumalaot sa alaala na lamang ng bawat isa sa atin.

Heto na si 2012.

Pumasok ang taong ito, puno ang hapag. Naghanda si Inay ng pansit at sopas, gayundin ang spaghetti. Hindi naman nawawala ang mga pagkaing ito na nagsisimbolo raw ng pagkakaroon ng mahabang buhay. Gayundin ang mga gelatin at leche flan na siyang magbibigay ng sarap at tamis sa pagsasama ng bawat miyembro ng pamilya, lalo’t higit ang tikoy o kalamay na talaga raw namang magpapadikit ng samahan at pagpapakapit ng swerte sa taong darating. Iyan ang mga pagkaing ilang pinaniniwalaang may hatit na magandang resulta sa bawat isa.

Heto na nga at 2012 na. ang taong pinaniniwalaang magbibigay ng swerte . Subalit, narinig na ang putok, gayundin ang maliliwanag na pailaw sa paligid. Heto na nga at sinalubong ng hatinggabing maaliwalas na klima ang bagong taon. Siksik sa handa ang hapag, bawat isa’y mahalaga.

Ano pa at bawat isa’y naghahangad ng swerte at magandang pasok lalo na ng pananalapi.

Isa sa may pinakamalimit na hiling tuwing lilipas ang taon ay iwan ang malas  at sa taong darating ay ang pagdating ng swerte. Lahat na ng tao, pera ang nasa isip. Wala tayong magagwa roon. Ito ang pangangailangang higit ng sinuman. Subalit sa taong ito, hayaan natin na ipagpatuloy ng bawat isa ang pagmamahal at matibay na pananalig sa Poong Lumikha.

Ipagpatuloy natin ang masarap na salosalo sa hapag ng kahit hindi mamahaling pagkain ay mga pagkaing patuloy na magpapatibay ng samahan n gating pamilya.


Busog na ang bawat miyembro ng pamilya. Heto na at tinanggap natin ang taong 2012. Sana ang mamutawi sa isa’t isa ay ang pag-ibig, pang-unawa at pagkakaisa. Masarap isiping dahil sa mga ito, patuloy na yayabong ang magandang samahan ng isang pamilya kasama sa pag-asang magandang 2012 ang sasalubungin at mararanasan saa buong araw, lingo, buwan ng taong dumating.