Ako
Ako ang taong magalit ka man
Basta't kaibigan kita
Basta't may pinagsamahan tayo
Basta't nakilala kita
Kahit awayin mo ako
Magsalita ka man ng masama laban sa akin
Mag-isip ka ng masama laban sa akin
Anuman ang gawin mo
Dahil kaibigan kita
Uunawain kita
Iintindihin kita
Mamahalin kita
Dahil kaibigan kita.
Hindi ko magagawang saktan ka
Hindi ko magagawang sumbatan ka
Hindi ko magagawang resbakan ka
Hindi ko iyon magagawa
Dahil mahal kita
Kung sa maikling panahon,
Makilala mo ako
Kung sa maikling panahon
Magkasama tayo
Tandaan mo, totoo ang ipinakita ko sa iyo
Walang halong biro
Walang halong pagkukunwari
Ako iyon.
Anuman ang gawin mo,
Mananahimik ako
Patuloy kitang uunawain
Dahil minsan isang araw, naging masaya ako
Kasama ka sa panahong iyon.
Mahirap makatagpo ng kaligayahan
Mahirap tagpuin ang kakuntentuhan
Kaya't ang magalit at magsalita ng masama laban sa kapwa
Hindi mo ako maasahan
Iyon ako.
Anumang ginawa mo
Makakalimutan ko iyon
Sapagkat tanging iniiwan ko
Dito sa puso ko
Ang masayang magkasama tayo
Ang araw na nagkakilala tayo
Ang araw na ibinahagi ko
Ang buhay at sarili sa iyo.