Showing posts with label childhood. Show all posts
Showing posts with label childhood. Show all posts
Friday, February 8, 2013
February 2013 Banner
Dati...
ang ilang dipang abot tanaw ko ay malayo na para sa akin
subalit habang ako ay lumalaki
napagtanto ko na ang anino pala ng araw ay maaari kong habulin
maaari ko itong sundan kung tatakbo ako ng matulin
kung kaya ang mga dating pinapangarap ko ay aking narating
palayo ng palayo hanggang sa maikot ko ang daigdig
hanggang sa makauwi akong muli
sa iyo na tapat na naghihintay sa aking pagbabalik
at muling mayakap ng iyong bisig na nananabik...
January 2013 Banner
may isang bata
tuwang-tuwa kapag umuulan
nilalabas niya ang kanyang dila
upang saluhin niya
ang tsokolate mula sa kalangitan
ako ang batang iyon
na naniniwala sa alamat na iyon
at hanggang sa ngayon
kapag binabalikan ko ang kahapon
nangingiti ako sa tamis na natikman ko...
Subscribe to:
Posts (Atom)

