Showing posts with label masaya. Show all posts
Showing posts with label masaya. Show all posts

Wednesday, May 1, 2013

Pambihirang Sandali


Isang pambihirang pagkakataon talaga ang araw na ito.

Labor Day, walang pasok, oras ng pamamahinga. Matapos ang aking panonood ng isa sa mga paborito at inaabangang teleserye sa umaga, kinainipan ko ang mabagal na takbo ng oras, kaya’t matapos ang pananghalian, mainit man ang panahon, pinilit kong maidlip sa aking kwarto.

Bandang hapon na iyon nang marinig ko na maingay sa aming sala, pilit kong inulinig kung sino sino ba ang nagkukwentuhan. Dumating pala ang aking kapatid na panganay. Nakikipagkwentuhan kina Inay at sa   dalawa ko pang kapatid.

Bumangon ako, mga bandang alas singko y media na ng hapon. Kumpleto kami ngayong araw na ito. Dumating din ang aking bayaw, may dalang lulutuing manok at mga hinog na mangga.

Siya na ang nagluto ng dala niyang manok habang tapos ng lutuin ang kanin ng mga oras na iyon. Sabay-sabay na kaming kumain ng hapunan. Magulo, pero halos lahat kami marami ang nakain dahil sa sarap ng pagsasalu-salong iyon.

Pinanood rin namin ang paboritong palabas ng mga bata sa primetime bida, matapos ang panonood ng balita. Pinatay na ni Tito Do, ang bunso kong kapatid ang t.v. matapos ang Juan Dela Cruz at hinayaan na lamang na maglaro ang aking mga pamangkin, samantalang ako, sina Inay at Tatay, at ang aking mga kapatid at bayaw ay masayang nagkukwentuhan sa aming terasa.

Pinangunahan ng aking Ina ang pagbibiro na kanyang narinig minsang isang gabi na sila ng aking ama ay dumalo sa isang miting de avance. Sinundan naman ng biro na naririnig naman ng aking kapatid na panganay sa FM station na paborito niyang pakinggan dahil sa mga patawang bentang benta sa mga nakikinig na tulad niya.

Halos magkaroon ng kabag ang aming tiyan sa katatawa sa mga patawang bentang benta para sa aming lahat nang gabing ito. Siyempre may seryosong usapan rin.


Kaysarap naman ng ganitong pakiramdam, buo ang pamilya at sama-samang nagkukwentuhan mula sa mababaw na biro at nadadagdagan ng seryosong usapan habang lumalalim ang gabi.

Hatinggabi na talaga natapos ang masayang usapang iyon.

Thursday, April 11, 2013

Salamat, naalala mo Ako



Nai-kwento lang sa kin.

Nasa biyahe ako, isang umaga upang dumalo sa isang pagpupulong. Kausap ko ang isang kakilala sa loob ng sasakyan. Maingay ang dyip, kaya’t anuman ang tunog, kailangan malakas ito upang marinig mo talaga. Nasa bulsa ng aking pantalon ang aking cellphone. May paminsan-minsang nagtetext, naririnig ko, kaya’t nababasa ko. Hanggang sa hindi ko sinasadyang kuhanin ang cellphone sa aking bulsa sa anong kadahalinan, hindi ko alam.

May tumatawag pala, at sa hindi ko sinasadya, napindot ko na pala ang answered kaya’t ilang Segundo na siyang naghihintay, subalit hindi ko pa nakakausap. Subalit hinintay nya ako. Hanggang sa napatingin ako, “Mam, saglit may tumatawag pala,” paalam ko sa aking kausap.

“Kumusta sir?” wika niya. Pasensya na at hindi kita narereplayan. May mga text message ka pala sa akin. Dun napupunta sa spam. Inayos ko kasi cellphone ko. Ayan ok na ulit, ayon sa kanya. Sabi ko naman “oo, holy week at itong mga nagdaang araw tinetext kita. Kaya lang hindi ka nagrereply, kaya inakala ko abala ka.” Hindi sir. Talaga lang hindi ko nakikita mga text mo. Pasensya. Sabi ko “ok lang.”

Palibhasa dadalo ako ng pagpupulong, ibinaba ko na ang cellphone, may pupuntahan din naman siya. Hanggang sa nagpaalam siya sa akin.

Sabi ko, “maari ba akong pumunta sa inyo?” Sa next week na lang daw kami magkita. Iyon ang huling sinabi niya sa akin. Mamimiss ko man siya, kailangan kong maghintay sa kanyang pagdating.

Pero patuloy pa naman ang aming komunikasyon, kasi may cellphone pa naman, may text pa naman. 

Saturday, March 16, 2013

Nagbalik Ka na


Maganda ngayon ang aking umaga
Kay tagal kitang hinintay
Magandang balita
Ikaw ay nagbalik na.

Inisip kita
Ano ang nangyari
Mabuti na lang
Mabuti ka pala naman

Sa aking buhay
Minsan lang akong maghintay
Hinintay man kita
Ibig sabihin mahalaga ka
Ibig sabihin importante ka.

Wala akong hinangad 
Sa buhay na ito
Kundi ang maging "ok" ka
Kundi ang maging ligtas ka.

Tuesday, March 12, 2013

Si Lolo Ben


Si Lolo Ben, ay ang aming ama. Lolo Ben ang tawag namin sa kanya, kasi ito ang tawag sa kniya ng kaniyang mga apo. Para mas madali matandaan ng mga pamangkin namen, Lolo Ben na rin ang itinatawag namen sa kanya.

Sina Ate Angel at Nicole, ay magkapatid ang una ay Grade-I samantalang bunso si Nicole na nasa Grade-I, sila ay aking mga pamangkin.

Palibhasa sila lamang ang malimit magkalaro sa aming tahanan, ang mga inosenteng usapan ay sila na rin lamang ang mga piping saksi at ang malimit nilang yayain ng laro, si Lolo Ben.


Malimit, ako ay ginagabi mula sa paaralan. Madalas, ako ay nagpapakaon sa bantayn (lugar kung saan malimit ako ay kinakaon ni Lolo Ben sa tuwing ako'y ginagabi).


Kanina, napansin ko, "Lolo Ben andame nyo namang binibiling kendi?"ang tanong ko. May Maxx, may Chubby, may Kopiko, at iba pa. Anla ipapasalubong ko kina Angel at Nicole. Tumango lamang ako dahil naunawaan ko na si Lolo Ben.

Hanggang sa nagsimula nang umandar ang motor. Habang nagmamaneho, nagkwento si Lolo Ben. "Kanina, nag-uusap yung magkapatid. Ang sabi ni Nicole, "si Lolo Ben, matanda na. Hindi na nagma-magic"ang wika sa kausap niyang ate. Kaya eto at bumili ako ng kendi para mag-magic ako sa kanila pagdating ko sa atin.

Sa halip na ibigay ni Lolo Ben agad ang kendi sa dalawa, kinatuwaan na niyang mag-magic kunyari na may lalabas na kendi sa kanyang mga kamay na kung saang hangin nanggaling.

Kinatuwaan na ito ng dalawa kong pamangkin. ito ang madalas na sabihin nina Nicole at Ate Angel kapag dumarating sina Lolo Ben at Mama Teten galing saanman, halimbawa sa pamamalengke o kahit galing lamang sa kapitbahay. Ang buong pagaakala ng  magkapatid kasi, basta't umalis sina Lolo Ben at Mama Teten pagdating may pasalubong dahil galing sila sa bayan, kung saan malimit mamalengke sila.

Napaumis na lamang ako sa kwento ni Lolo ben. Naapektuhan sya agad. Ayaw niyang masabihan ng mga apo niya na siya ay matanda na kaya, hayun andameng pang-magic sa dalawa.