Showing posts with label nakaraan. Show all posts
Showing posts with label nakaraan. Show all posts

Friday, October 16, 2015

Pagmumuni muni

Matagal nang panahon ang nakalipas, ilang taon na rin ang nagdaan....

Sa mga oras na aking ginugol sa oras para sa aking mga kaibigan , ang mga bagay nating nagawa, ginawa ay masasabing malaking bahagi ng ating nakaraan na nagbibigay saatin ng kasiyahan sa tuwing tayo ay nagbibigay ng pagbabalik alaala sa ating nakaraan.

Saan nga ba patutungo kung ang ating nakaraan malaki lang bahagi ng ating pinagdaanan? Marahil isang bagay ang aking masasabi, isang masayang alaala na masarap balik balikan at isang aral na magbibigay sa aking hinaharap ng isang magandang sanaysay ng aking buhay.

Tuesday, February 26, 2013

Aninong Ga’pos




Minsan ba maling maghanap ka? Minsan ba maling mangulila ka?

Hindi ko alam paano magsisimula. Hindi ko alam paano magtatapos dahil ang nais kong simulan pilit ko rin naman dagling wakasan upang basta mawasak na lamang upang wala ng magsimula para hindi na mahirapan pa. Subalit paano tatapusin ang sinimulang alam ko rin naman walang patutunguhan.

Subalit hanggang kailan ako paaalipin sa aking aninong pilit pumipigil na lumago ang aking karanasan,pilit humhila sa tanikalang sa mga paa ko’y nakagapos upang pag-usad ng kamalayan ay maging mas mailap pa sa panghuhuli ng isang ligaw na hayop sa ilang.Paano nga ba?

Minsan tuloy naiisip ko,tama pa bang ipagpatuloy ang kung anumang mayroon ako sa kasalukuyan na nais kong simulan o tuluyan ko na ikaw ay kalimutan upang baka sakaling sa  bukas na darating ang pagbibigay ng isang maliit na puwang sa aking buhay na ito’y maging sanhi ng isang malawak na pang-unawang sa akin ay maipapahiram kahit saglit lamang. Sa kung kailan ko ito gagawin, tanging isa lamng ang nakakaalam, ang aking sarili, dahil anuman ang kahihinatnan nito’y tanging ako rin lang naman ang nakakaalam at ako rin lamang ang magdaranas.

Hindi ko nais na ako’y masadlak sa isang lusak ng kadiliman ng pagpigil sa anino ng kahapon at umasang ang ngayon ay ihiwalay sa aking nakaraan. Subalit nais ko lang malaman saan ako magsisimula? Iyong simulang alam ko, wala akong katapusang ipagsisisi sa sinuman o kahit saan man.

Friday, February 22, 2013

Sa Aking Kahapon, sa Aking Ngayon


Maulan sa aking pag-uwi sa aking tahanan. Kaakibat ang malungkot na sandaling babalikan ko muli ang aking naiwang pighati.Subalit sa pagdating sa masayang tahanang ito, saan ako magsisimula?

Nais kong maputol ang nakaraang nagdurugtong sa aking kahapon at ngayon. Ang kahapong patuloy na gumagapos sa aking ngayon. Ang kahapong pilit kong tinatalikdan. Ang kahapong sa aking palagay ay nagiging dahilan upang maging mabagal ang pag-usad ng aking ngayon ....

Subalit alam ko mali ako. Dahil alam ko ang klahapon ay bahagi na ng aking nakaraan, Kailangan kong tanggapin na ang nakaraang ito'y bahagi ng kung anumang mayroon ako sa kasalukuyan.Dapat ko pa ring ipagpasalamat na ang kahapong pilit kong tinatalikdan ay bahagi ng kung paano ako naging matatag sa aking ngayon, ang aking kasalukuyan.

Subalit anuman ang mangyari, isang malaking pagtanggap lamang ang dapat kong gawin.Paano ko gagawin?Paano ko sisimulan?Paano ko matatanggap?Paano?Isang malaking katanungang malamang ako rin ang dapat makatuklas sa hinaharap karugtong pa rin ang nakaraan....