Showing posts with label Ina. Show all posts
Showing posts with label Ina. Show all posts

Sunday, June 9, 2013

Pagmamahal ng Isang Ina

June 3, ang unang araw ng pasukan. Maraming tao sa loob ng paaralan, mga magulang, lolo,lola, nanay, tatay at mga kapatid, syempre nandun din ang mga guro,kapwa ko guro.


Marami ring naghihintay sa tapat ng aking silid. Binuksan ko ang aming silid at excited pumasok ang mga bata. Marami na ang bata ko sa unang araw ng pasukan pa lamang.


Subalit, hindi ako pwede sa amoy ng pintura. Ilang araw bago ang pasukan, nagpapintura ako ng upuan ko. Hindi ko maaring hindi maamoy ang masakit sa ilong na pintura. Sa madaling salita, halos maghapon akong bumahin nang bumahin. Uminom man ako ng gamot na antihistamine, wala ring epekto. Mag-aawasan na halos nanlalambot na ako. Mabigat na ang aking pakiramdam.

Umuwi ako sa bahay halos dapit-hapon. Inaalok ako ng aking Ina ng hapunan subalit diretso lamang ako sa aking higaan. Hindi na ako nakapaghapunan pa.

Hindi man ako nagsalita, ramdam ng aking ina ang aking masamang pakiramdam. Hindi pa lumalalim ang aking pagtulog ay ginising ako ng aking ina upang painumin  ng katas ng kalamansi. Umuubo ubo ako paminsan-minsan kaya't hindi rin makatulog ang aking ina. Bumangon sya sa pagkakahiga at ako'y minasahe ang likuran pati lalamunan ng isang vapor rub upang gumaan ang aking paghinga at huminay ang  pag-ubo. 

Sa loob ng ilang oras, maya't maya bumabangon ang aking ina upang ako ay silipin kung maayos ang pagkakatulog ko.

Hindi siya umiidlip ng malalim upang sa oras na ako'y umubo ay makabangon sya upang ako'y asikasuhin. Walang kapantay talaga ang pagkalinga at pagmamahal ng isang ina. Kahit may edad ka na, bilang isang ina, aasikasuhin at aasikasuhin ka nila hangga't kaya nila.

Maraming salamat sa mahal kong ina. Siyempre nandyan din naman ang aking ama. Umaalalay sa aking ina kung sya'y pagod na pag-aasikaso sa amin. Kapag ang aking ina ang hindi maganda ang pakiramdam, to the rescue ang aking ama.

Wednesday, May 22, 2013

Mother, Son and the Listener


Iba talaga kapag Ina na ang nagsalita sa anak. Kahit gaano kabigat ang kanyang sabihin, hindi mo ito mararamdaman bilang isang pasakit sa iyong kalooban bagkus, ito ay isang lambing sa pandinig ng isang anak na kanyang sinesermonan.

I was about to start finishing the report which my superior was requested me to do because it was due today, until I received a text message that somebody asked me to accompany them in their monitoring somewhere in our district. So, I stood up and went straight to the meeting place to see them. I wasn’t able to finish the report.

I arrived a bit earlier. After a few minutes, they came and so we left the place to visit some of the schools for Brigada Esakwela monitoring. 

In every school we visited, she made sure she met every teachers and reminded them what to do during Brigada Eskwela and who are the persons involved besides teachers. Another agenda was, to know who will be joining the District Outing after the seminar to be held on May 31.

 About an hour before 12 noon, we arrived in one among the far flung school in the district. There were many people around doing some carpentry works such as arm chairs repair, wall painting, grass cutting and others. She asked if the school administrator was around addressed to one of the faculty members of that school. She replied gladly, “Yes Mam, he’s here.” Madam looks happily and sighed, afterwards she uttered, “Wow!Atlast he’s here!” and both laughed meaningfully.

The school administrator, through the request of his superior requested all members of the faculty to go to the office and they will be having a meeting together with his superior.  The meeting adjourned after the consensus had been made for the said seminar and planned outing for the district. The school administrator and his superior left in the office, while other members of the faculty prepared lunch for us.

The school admin was asked by his superior why he didn’t attend meetings and other gatherings in the district and in the division. The school admin started to explain jokingly the reasons why he didn’t come. His superior accepted the reasons. His superior started her homily, while the school admin for a times butt in and said something that was very informal. Although, they argued for some important matters but still as a mere listener, I can’t feel the embarrassment.

Ang buong usapang narinig ko ay ang pagtatanong ng isang Ina sa kanyang anak na tumalima sa kanyang kagustuhan. Sa pagkakataong, nagkaroon sila ng oras upang mapag-usapan ang mga bagay na ginawa ng anak, tinanggap niya ang kanyang mga dahilan. Oo, may hindi pagkakaunwaan sa simula, subalit kahit siya ay pinagsasabihan hindi ka masasaktan.Sapagkat ang paraan ng usapan ay usapan ng isang Ina at ng isang Anak. Binibigyan ng Ina ng pagkakataon ang anak na ipaliwanag ang ginawa upang ipagtanggol ang sarili habang ang Ina pagkakatapos ng paliwanag ng anak, ay pilit na ipinauunawa ang dapat pa rin niyang ginagawa ng walang nasasaktan sa isa’t isa. Hindi niya pinagagalitan ang anak sa paraang masasaktan nito ang kalooban ng mahal niyang anak subalit sa paraang itinuturo ang maaring gawin kahit na ito ay labag sa kanyang kalooban sapagkat lahat tayo ay napapailalim sa isang sistema. Sa huli, sa aking palagay, naliwanagan ang anak sa isang magandang halimbawang paliwanag ng kanyang Ina.

They ended up their conversation in a very delicious lunch prepared by the faculty members such as, daing, bulanglang, fried pork chop and  ripe mangoes as our dessert.