Showing posts with label Pagmamahal. Show all posts
Showing posts with label Pagmamahal. Show all posts

Tuesday, March 29, 2016

Bagong Umaga

Isang pagbabago kasama ng makabong pagdating ng "Pasko ng Pagkabuhay" ay ang pagsibol ng ating bagong pag-asa.

Bagong pag-asa na aking nasisilayan sa araw ng ating bagong sinag ng umaga. Isang pagbabagong nagbibigay ng ligaya sa aking bagong pagtanngap ng bagong biyaya ng Panginoon.

Maraming salamat sa bagong pag-asa.

Sunday, August 23, 2015

Sakit, Galit at Poot...

Nasaktan, nasasaktan
Galit,poot
Saan ka nagmumula
Saan hinuhugot?

Nakilala kita
Minahal bang kaibigan
Itinuring na kapatid
Itinuring na kapamilya

Bahagi na ang buhay mo
Sa pakikibaka nito
Sa pagpapasalamat
Kasama ka talaga rito

Naging bukas tayo
Sa pagiging tao
Naging malapit tayo
Oo, kaibigan ako.

Isang araw nagising
Nagagalit ang mundo sakin
Saan nagmumula?
Saan hinuhugot?

Inakalang pagiging bukas
Matalinong pagtanggap
Galit na namuo
Pagpapatawad isinasamo

Nais magbalik
Nais masambit
Kaibigan, kaibigan
Alam mo di ka iiwan

Sana sa dako roon
Magkatagpo ang landas
Masambit na totoo
Kaibigan ko, nandirito ako

Monday, June 1, 2015

Ikaw Lamang

Ilang araw na lumipas
Ilang gabing tahimik
Matinding pag-iisa
Matinding pakikibaka.

Masayang alalahanin
Araw at gabing kasama ka
Subalit sa oras na mag iisa
Tanging hilingnkayakap ka.

Hindi ko man sabihin
Hindi ko man maiparamdam
Kung di mo nararamdaman
Ikaw ay mahal kailanman.

Sa bawat yakap at halik
Sa bawat oras na kaniig
Pagmamahal ko kapantay
Pawis na ibinibigay sa yo giliw.

Sunday, January 18, 2015

Tiwala

Tiwala.
Isang salita, subalit may matinding dating sa sinuman. Kanino ba tayo nagtitiwala.? Malimit nating naitatanong sa ating sarili may tiwala ba ako kung hindi ko lahat naibibigay ang nais kong ipabatid sa iyo? May magsasabing oo marami ang hindi. Subalit sa pag aanalisa, nasa taong nagsasalita ang lahat ng ito.
Pagmamahal, ito ang tanging sagot sa ating katanungan. Ang pagbibigay ng tiwala ang syang magbibigay sa atin ng kasagutan sa pagmamahal. Kung nagmamahal ka wala tayong nais itago. Nandun lahat ang tiwala sapagkat bilang isang parea na may sapat na komunikasyon, ang pag iimbot ay wala.
Tiwala at pagmamahal, magkaakibat yan.

Friday, January 2, 2015

Kausap, Kasabay, Kasama

Kausap kita. Kasabay kita. Kasa kasama kita.

Kausap kita ng mga sandaling ihahatid na kita pauwi ng iyong tahanan. Pag uusap na maging ang paghihiwalay kung akin lang kokontrolin pwedeng manatili ka na lang ba s a aking piling. Pilit kong pinigil ang sandaling iyon. Idinaan kita sa isang lugar kainan upang kahit saglit mabalam ko ang ating paghihiwalay. Magkausap tayo, masaya, may halakhak, may tuwa, at may ngiti.

Magkasabay tayong sumipsip ng inuming makapagbibigay lakas sa damdaming pagod sa pakikibaka. Ang inuming nagbibigay sa atin ng dagdag na determinasyon upang ipagpatuloy ang araw na iyon. Kasabay kita sa araw na iyon, ramdam ko masaya tayo sa mga oras s na iyon.

Kaya kasama na kita noon pa man. Ni hindi ko akalain na ang pagtingin kong ito ay lumalim pa sa higit na pagkakaibigan. Tanging kaibigan lang ang kaya mong ipagkaloob subalit lihim ko itong tinutulan. Tanging ang maangkin ang damdamin mo ang nais ko. Tanging ang maging akin ka ay isa nang ligaya. Subalit ang lahat ng ito ay pawang pansarili lamang. Hanggang kailan tayo, hanggang saan tayo.? Isang pagsusumamo ang aking ipinaaabot sa iyo aking giliw. Tanggapin mo ang pag ibig kong alay. Iniaalay hanggang sa dulo ng walang hanggan. 

Wednesday, December 24, 2014

Isang Liham

Kaibigan,

Ang makilala ka ay isang magandang biyayabiyayang aking natamo. Hindi mo alam gaano ako nagpapasalamat sa iyo. Ikaw ang nagbigay ng liwanag sa aking daan. Ikaw ang pumupuno sa aking isipang nagugulumihanan.Ikaw ang aking takbuhan kung ako nalulungkot may problema....

Ngayon, tila ramdam ko ang iyong kalungkuta. Alam mo kung ppaano ako abutin. Alam mo namang lagi lamang akong naghihintay sa iyo. Ngayong ramdam ko ang kalungkutan mo, sabi nga ni Tito Boy, "kaibigan, halika usap tayo .

Kaibigan, sana may magawa ako upang mapaligaya ka. Mahal kita alam mo yan. Mahalna mahal. Ganun ka kahalaga sa akin. Ako ay naghihintay laamang sa iyo.

Tanging dalangin ko sa Poong MMay kapal ang iyong kalungkutan ay maibsan at mapalitan ng kaligayahan. Panalangin ko nawa ang iyong mga pangarap at naiisip ay maging matagumpay at tulungan ka nawa ng mapagpalang Lumikha.

Nagmamahal,

Iyong kaibigan

Sunday, November 16, 2014

Ikaw ang aking Ngayon at Bukas

Kahapon,ngayon at bukas.

Parang kailan lang marami na akong nasubukan ,naranasan at pinagdaanan. Hindi ko na mabilang ang pagsusumikap at pasakit subalit nandun si pagtatagumpay.

Kahapon ako'y isang musmos na nagangarap ng isang adhikaing makapagbabago sa aking hinaharap. Sa pagsusumikap,nakamit ito. Subalit tila ang pagbabago ay siyang tiyak na malimit simula ng "discontentment" kung kaya't pangarap ko'y hindi tumitigil,paghahangad ko'y hindi natatapos.

Ngayon, isang panibagong yugto ang nais kong tahakin,nais kong suungin,nais kong kaharapin ang buhay kasama ka. Hindi biro ang aking pinapangarap. Nakaranas na akong magmahal sa maraming paraan, sa maraming dahilan sa iba't ibang karelasyon, paghihiwalay ang kinahantungan. Subalit ngayon nais kong ipaglaban ka hanggang sa huli.

Bukas paggising mo mahal pa rin kita. Ikaw ang aking ngayon,bukas at walang hanggan. Mahal kita alam mo ba?
Ikaw nga walang iba.

Sunday, September 28, 2014

Ikaw Lang


Tamang init nitong panahon 
Kapalit ang ulan tuwing hapon 
Tanging hinihintay doon 
Masilayan ka sa banda roon


Makitang ok ka 
Maramdamang nandyan ka 
Ligayang walang patid 
Totoong ligaya iyong hatid


Malayo man sa aking piling 
Alam kong darating at darating din 
Tamang panahon sa atin 
Upang isa't isa'y yakapin

Thursday, June 19, 2014

Ang ating Daan

   
Isang umagang kasing ganda ng  isang bulaklak
Ang makita ka ay isang ligaya
Sa pinagtagpong landas na ating tinahak
Isang marilag na bukas aking nababakas.

   

Tulad ng hagdang kay tarik kung tingnan
Sa bawat hakbang ko'y ligayang walang para
Narating ang kaitaasan, kasama ka aking rilag
Tunay na pag-asa ating natanaw talaga.


Tahanan ng langit, ating natanaw
Tahanang magbubuklod sa mga pusong mapagsinta
Tanging ikaw lamang laman ng isipan
Kapahingan tanging sa yo natatanaw 


Matapos ang pagod na ating dinanas
Kay sarap isiping natapos ang paglalakbay
Sa tuwina'y iisipin walang hanggan kapara
Kasama kang may ngiti nabuo itong araw



Katulad ng likong daan ating pinagmasdan
Kailanman ay di nasaring sumuko sa kapalaran
Magandang damong ligaw tanging nais matanaw
Maganda talaga ang ating naging araw.

Tuesday, June 3, 2014

Kaligayahan

Masasabi kong
Ikaw ang lahat sa akin
Ikaw ang aking ninanais
Ikaw lamang ikaw lang

Sa isang pag-uusap
Boses mo'y nagpaligaya
Marinig sa iyo
May gusto ka at ako

Ako ang nanaghoy
Sa ilang buwang paghihintay
Paghihintay na wagas
Pagmamahal na walang kupas

Aking baon sa pag-uwi
Ngiti mong nakakapawi
Mga pagod sa maghapon
Tanging alaala ay iyon

Salamat pag-ibig
Salamat sa iyo
Ramdam ko ang pag-ibig mo
Sa aking pusong nanunuyo

Sa ating muling pagtatagpo
Hayaan mong madama mo
Bawat halik ng labi ko
Ikaw ang inaasam nito.

Yakap

Sa ilalim ng malamig
Na simoy ng hangin
Gabing tahimik
Gabing may pananabik

Kamay mo'y hawak ko
Kaligayahan aking natamo
Sa isang sulok ng puso ko
Hinihiyaw pangalan mo

Sa pagdating ng umaga
Nais araw-araw ikaw makita
Sa pagmulat nitong mata
Ikaw lagi hinahanap twina

Sa muling pagtakbo
Nitong oras walang hinto
Kailan kaya muli
Ikaw mayayakap nitong puso?

Monday, February 17, 2014

Pagmamahal Sa Iyo

paano mo makikilala at mararamdaman ang pagmamamahal ko gayong ayaw mong damhin ito, kahit sa malayo?

Sunday, January 19, 2014

Naghihintay

Nagising siya sa katotohanang, mahirap magmahal.

Isang pagbabago sa kabanata ng kanyang buhay ang magmahal. Maramdamang ang pagmamahal na ito ang babago sa pagtibok ng kanyang puso.

Masarap ang unang araw na makasama ang minamahal. May mga araw na nais mong lagi siyang kasama sapagkat ninananais mong madama lagi ang kanyang paglalambing. Malambing siya, mabait.

"Sige na, ako na.Okey na.Maupo ka na lamang," mga matatamis na salitang kanyang binibitiwan. Mga salitang ginagamit niya sa tuwing sila'y magkasama.Hindi niya hinahayaang gumawa pa siya matapos lumabas sa trabaho.

"Pwede bang maging tayo?,"ang mahiwagang pangungusap na kanyang binitiwan na siyang gumising sa natutulog niyang puso.

Saan hahantong ang pag-ibig na ito?

Malimit niyang sinasabi, na masaya siya na naging bahagi siya ng kaniyang buhay. Ang sarap marinig sa iniibig. subalit, lumilipas ang mga araw, lingo at buwan, tila napapalitan ng pagdududa at pagseselos ang pakiramdam na iyon.

Selos na nagbubunga ng matinding pagdududa na nagdudulot nang pasakit sa puso ng taong nagmamahal. Bakit ganito ang kanyang pakiramdam?

Sa kabila ng mga ganoong pakiramdam, naroon at sa isang sulok ng marubdob na pag-ibig, nanatiling nagtitiis,dahil nagmamahal siya.

"May gagawin ka ba bukas?"aniya. "Wala ang kanyang isinagot." "Baka gusto mo akong i-date?""Sige."

Nagtakda ng oras ng pagkikita kinabukasan. Maaga siyang gumising sa panananbik sa muling pagkikita.Isang matamis na kabanata ang pagkikitang iyon, hindi makakalimutan.

Hindi niya kayang mangyaring ang isinugal na pagmamahal sa kanya ay bigla na lamang mawala. Handa niyang isuko ang lahat mapanindigan lamang ang desisyong magmahal hanggang wakas. Subalit, paanong magtatagal ang pag-ibig na sa simula pa lamang may paghadlang, may pagkatakot, ikinukubl.

Hanggang saan hahantong ang isinugal na pag-ibig ng taong sumisinta?Saan dadalhin ang kapalarang minsang binago ng isang pagnanais, ang magmahal at mahalin?

Hanggang saan?


Monday, December 30, 2013

Sa Likod Nito

Misyon ko sa aking buhay ang makapagbigay ng kaligayahan kaninuman.

Alam kong ang kaligayahan ay napakahirap kamtam lalo't higit may mga bagay na hindi mo kayang sabihin ng harap-harapan.Kaya naman dito sa bahaging ito nais kong malaman mo...

na dahil sa iyo maligaya ako, ang iniaalay kong bahagi ng buhay ko ay tanging para sa iyo lamang. Lai kong hinahanap ang iyong presensya subalit unawa ko, hindi maari, hindi pa pwede.Kailangan pa natin ng sapat na panahon.

Alam kong ang lahat ng ito ay pawang bahagi lamang ng aking ninanais, subalit ang kagyat na sandali na ibinabahagi mo sa akin ay pangmatagalang kaligayahan sa puso at damdamin ko.

Hanggang sa huli, ikaw pa rin. maraming salamat.

Wednesday, August 14, 2013

School Head

Sila ang mga taong nagparamdam ng tunay na kapamilya.Sila rin ang mga taong naging maligaya at malungkot sa aking paglisan sa aking dating paaralan.

Salamat mga kasama ko sa San Antonio I teaching force,hindi nyo alam gaano ako naging maligaya, sa halos  limang taong paglagi ko sa munting paaralan natin. Munti mang masasabi, subalit ang mga puso ng mga kapwa ko guro dito ay pawang busilak at mapagmahal nang tapat. Wagas ang paggalang at pagmamahal na naramdaman ko mula sa inyo. Ipinaramdam nyo na ako bilang dati ninyong kaguro ay inyong minahal at inaruga.

Kayo ang nagparamdam sa akin na ako ay isa na talagang ganap na lider ng isang paaralan,. Maliit na paraan man ang inyong iniwan sa akin, ito'y panghabambuhay ko ng kaligayahan. Ipinaramdam nyo sa akin na ako ay isang school head na talaga dahil sa pagbibigay nyo sa akin ng isang table tag na may nakalagay na "VIVENCIO S. PANGANIBAN JR." SCHOOL HEAD.

Napakasaya ko sa araw na ito, sapagkat ngayon ko natanggap ang alaalang ito. Ang bagay na ito ang magsisilbing alaala ko  ng ating maliligayang araw.

Maraming salamat sa inyong lahat.

(Dumating ako sa San Antonio I Elementary School, SY 2007-2008. Naging School Head ako, August 1, 2013.Ang araw na nilisan ko ang naging Atisan Elementary School, kung saan ako ay nagbabalik bilang isang lider ng paaralan.)

Thursday, June 13, 2013

Ikaw pa rin


Ninais kong umawit dahil sa kaligayahan
Ninais kong tumula dahil sa tuwa
Ninais kong lumuha dahil sa galak
Ang lahat ng ito, nadama dahil sa iyo.

Hindi ka man mayakap
Hindi ka man maramdaman
Sa piling ko ang diwa mo
Nagiging parang totoo.

Ang pag-aakala mong
Nilisan ka ng walang paalam
Isang pagkakamali,sapagkat
Ikaw pa rin, nanatili.

Sa angking pagkukubli
Ng damdaming nasaring
Asahan mo sa pagbabalik mo
Naghihintay yaring puso ko. 

Sunday, June 9, 2013

Pagmamahal ng Isang Ina

June 3, ang unang araw ng pasukan. Maraming tao sa loob ng paaralan, mga magulang, lolo,lola, nanay, tatay at mga kapatid, syempre nandun din ang mga guro,kapwa ko guro.


Marami ring naghihintay sa tapat ng aking silid. Binuksan ko ang aming silid at excited pumasok ang mga bata. Marami na ang bata ko sa unang araw ng pasukan pa lamang.


Subalit, hindi ako pwede sa amoy ng pintura. Ilang araw bago ang pasukan, nagpapintura ako ng upuan ko. Hindi ko maaring hindi maamoy ang masakit sa ilong na pintura. Sa madaling salita, halos maghapon akong bumahin nang bumahin. Uminom man ako ng gamot na antihistamine, wala ring epekto. Mag-aawasan na halos nanlalambot na ako. Mabigat na ang aking pakiramdam.

Umuwi ako sa bahay halos dapit-hapon. Inaalok ako ng aking Ina ng hapunan subalit diretso lamang ako sa aking higaan. Hindi na ako nakapaghapunan pa.

Hindi man ako nagsalita, ramdam ng aking ina ang aking masamang pakiramdam. Hindi pa lumalalim ang aking pagtulog ay ginising ako ng aking ina upang painumin  ng katas ng kalamansi. Umuubo ubo ako paminsan-minsan kaya't hindi rin makatulog ang aking ina. Bumangon sya sa pagkakahiga at ako'y minasahe ang likuran pati lalamunan ng isang vapor rub upang gumaan ang aking paghinga at huminay ang  pag-ubo. 

Sa loob ng ilang oras, maya't maya bumabangon ang aking ina upang ako ay silipin kung maayos ang pagkakatulog ko.

Hindi siya umiidlip ng malalim upang sa oras na ako'y umubo ay makabangon sya upang ako'y asikasuhin. Walang kapantay talaga ang pagkalinga at pagmamahal ng isang ina. Kahit may edad ka na, bilang isang ina, aasikasuhin at aasikasuhin ka nila hangga't kaya nila.

Maraming salamat sa mahal kong ina. Siyempre nandyan din naman ang aking ama. Umaalalay sa aking ina kung sya'y pagod na pag-aasikaso sa amin. Kapag ang aking ina ang hindi maganda ang pakiramdam, to the rescue ang aking ama.

Wednesday, March 27, 2013

Pusong Bato



“Di mo alam dahil sa ‘yo ako’y di makakain.
Di rin makatulog buhat ng iyong lisanin.
Kung ako’y iibig na muli
Sana’y di sa isang katulad mo
Tulad mo nama’y pusong bato.”

Ang mga bahagi ng kantang sikat sa ngayon , ang pamagat “Pusong Bato.” Kwento ng isang mangingibig na pinangakuang mamahalin subalit matapos ang lahat, nasaktan lamang sya sapagkat matapos niyang ipakita at ibuhos ang pagmamahal niya sa kanyang iniibig, iniwan lamang rin sya  nang basta.

Namamasyal kami, at napadako kami sa pamamasyal sa Luneta Park. Bandang alas sais ng hapon binuksan ang isa sa mga lugar na dinarayo rito, and “dancing fountain.” Kasabay ng pag-awit sa saliw ng iba’t ibang musika. Ito’y nakatutuwang panoorin, sapagkat animo’y mga taong sabay-sabay na umiindak kasabay ang pagpapalit ng iba’t ibang makukulay na ilaw.

Sa pagod ko, natuwa akong mapadako sa dancing fountain, dahil sa pagod na ang mga binti kakalakad, nakiupo ako sa tabi ng isang matandang babae. “Inay, makikitabi po,” ang wika ko. Ako naman ay kanyang pinaunlakan. Inaawit ng mga oras na iyon ang Pusong Bato, kaya’t habang ako’y nakaupo, nakikisabay ako sa pag-awit dahil alam ko ang ibang linya nito.

“Sabi mo noon sa akin, kailan ma’y di magbabago.
Naniwala naman ako
Ba’t ngayo’y iniwan mo.

“Di mo alam dahil sa ‘yo ako’y di makakain.
Di rin makatulog buhat ng iyong lisanin.
Kung ako’y muling iibig  
Sana’y di sa isang katulad mo
Tulad mo nama’y pusong bato.”


Inaawit ko ito, nang magsalita si Inang, ang matadang babaeng aking katabi sa upuan. “Noong nabubuhay pa aking asawa, galit man ako sa kanya hindi ako nagsasalita nang masama sa kanya.” Nagulat ako, ako  na pala ang kausap niya. Sapagkat sa palagay ko may matutunan ako kay Inang, nakinig ako sa kanyang kwento.

Siya ay mula sa Ilo-Ilo, samantalang ang kanyang naging yumaong asawa ay mula sa Bulacan. Nagkakilala sila mula sa isang pagtitipon. Sapagkat masigasig sa panliligaw, agad niya siyang sinagot. Nanirahan sila sa Tondo, Maynila at doon na rin nagkaanak. Nagtatarabaho sa custom ang kanyang asawa samantlang siya ay isang may bahay.

Sa tuwing magagalit siya sa kanyang asawa, hindi niya siya sinisigawan o nagsasalita ng mga masasakit na salita. Naipapakita niya ang kanyang pagkagalit sa pamamagitan ng hindi niya siya sinasabayan pagkain pagkagaling ng asawa sa trabaho. Sapagkat alam niya ang uwi sa hapon ng kanyang asawa, inihahanda na niya ang nilutong paboritong sinigang na sugpo ng kanyang mahal. Ipinapainit niya ito para mainit ang mahigop ng asawa. Nakahanda na rin ang isang platong kanin, saka niya ito tatakpan at didiretso na siya sa pagtulog sa itaas ng bahay. Sapagkat alam ng asawa na nauna na sya pag-akyat sa higaan,galit siya.Aaluin siya para sabayan sa pagkain, subalit, sasabihin lang niya na umuna na o kumain na sapagkat siya ay tapos na kahit hindi pa. Saka siya kakain, kapag tulog na ang asawa.

Mga paboritong pagkain ng asawa ang tangi niyang niluluto upang masiyahan ang asawa pagdating galing trabaho. Kung minsan, dumarayo siya sa Malabon, upang doon bumili ng alimasag o talaba sapagkat mahilig siya rito.Nais niyang maramdaman ng kanyang asawa na mahal na mahal niya siya.

Sa umaga, sa oras na maramdaan niyang gising na ang asawa, mangunguna na siyang bumangon upang ipagtimpla ng kape. Habang nagkakape ang asawa, nagsasangag siya at nagpiprito ng itlog na omelet,may kasamang tinadtad na patatas. Para maipakita naman ng asawa na appreciated niya ang kanyang luto, hihiling siya na ipagbalot siya upang siya nitong kainin sa oras ng tanghalian sa trabaho.

Sa maiksing panahon ng kanilang pagsasama, hindi niya o hindi sila nagpalitan ng masasakit na salita ng kanyang kabiyak. Nagkakagalit man sila, walang palitan ng masasakit na salitang nagaganap. Hindi lamang siya sumasabay sa pagkain, pero, inihahanda niya ang mga pagkaing paborito ng kanyang kabiyak.

Pinangangaralan nga niya ang kanyang mga kapitbahay.”Iwasan ninyo ang pagsasalita ng masasakit sa inyong asawa kapag kayo ay galit. Pinili ninyo siya, pagtiisan ninyo at huwag ninyo siyang pagalitan o awayin. Magtiis kayo,” iyan ang mga payong kanyang ipinararating sa kanyang mga kapitbahay.

Tama siya. Habang kausap ko siya, sapagkat ako ay single pa, nais kong ang mapili ko ay katulad niya. Mahilig magluto, pasensyosa at higit sa lahat,maunawain.

Kung ang lahat ng magkabiyak ay nagpapasensyahan, hindi nag-aaway, malamang hindi na kailangan ang divorce, hindi na kailangan ang legal separation, demandahan at kung ano ano pa. Malamang, walang broken home, malamang walang unwanted children, malamang walang juvenile delinquent.

Sana, sa mga mag-asawa, pairalin ang pagmamahalan, pag-uunawaan at pasensyahan.

Sapagkat gabi na, kami ay umuwi na. si Inang naiwan namin sa Luneta Park sa may dancing fountain, alas otso pa raw siya uuwi. Kasi wala raw naman siyang tinda.Nagtitinda siya ng mga gulay sa Quiapo.

Tuesday, March 5, 2013

Si Sir


"Mahal na nga kita, pakasal na tayo," ang tanging sambit ko sa iyo nang minsang magkausap na tayo. Nabigla ka man tanging tugon mo'y "oo".

Malimit na ako ay pumunta sa inyong tahanan. malimit kong kausap ay ang iyong butihing ina at ang iyong yumaong ama. Hindi man ako direktang sa iyo ay nanliligaw, marahil inuna ko nang ligawan ang iyong mga magulang. Mahilig akong magdala ng mga pagkaing nagugustuhan nila, mga pag-uusap na malimit ikaw ang aming paksa na lingid ang lahat ng ito sa iyong kaalaman.

Hanggang sa isang gabi nagtapat na ako sa iyong mga magulang kung maaring hingin ko na ang iyong mga kamay? Wala namang pasubali ang kanilang sagot sa akin sapagkat taon na rin ang binilang ng aming pagkukuwentuhan, pagbabalik-balik sa inyong tahanan at pag-aabang sa iyong pagdating mula sa paaralan. Sapagkat malamang dahil na rin sa agwat ng ating edad naipagkatiwala na ng iyong mga magulang ang kinabukasan mo sa akin. Guro na ako ng ika'y mapasaking piling.

Ikinasal tayo na ni hindi ko alam kong nauunawaan mo kung bakit ka may suot na puting trahe de boda at bakit tayong dalawa ay nasa sa harap ng altar ng panahong iyon. Subalit, dahil mapagmahal ka at malaki ang tiwala mo sa iyong mga magulang lahat ng kanilang sinabi ay sinunod mo. Maligaya tayong nagsama hanggang sa nagkaroon tayo ng dalawang anak.

Lumipas ang maraming taon, naging mahusay kang guro sa mga paaralan mong pinagturuan kaya't kagyat kang na-promote bilang punungguro habang ako'y nanatiling guro sa kauna-unahan kong paaralang pinaglingkuran. Tahimik akong sumusuporta sa iyo at tahimik akong sumusunod at gumagabay sa iyong mabilis na pagtatagumpay. Nanatili ako roon, nagmamatyag at nagmamamahal.

Hanggang sa isang umaga nagising ako wala ka na sa aking piling. Itinanaong ko sa mga inay kung san ka naroon, impit ang kanilang dila. Dumaan ang mga araw, hanggang sa ang araw ay naging lingo at ang lingo ay naging buwan. Hindi na napigil ni Inay ang sarili at sinabing ikaw ay lumisan ng walang paalam, nag abroad ka ng walang paalaam.

Itinanong ko sa opisina ng iyong district supervisor kung totoo ang lahat hanggang sa wala rin siyang naipakitang magandang pruweba kundi ang iyong resignation letter kung nasaaan ka hindi rin nya alam.

Nabigla ako sa desisyon mo,  hindi ko matanggap. Ang ating mga anak, nagtatanong kung nasaan ka, wala akong maisagot. Nahihirapan akong gumising ng wala ka sa aking tabi. Nahihirapan akong asikasuhin ang ating mga anak na babae, nagdadalaga na sila. Nahihiya akong umasa sa ating ina, ang aking biyenan. "Ang mga huling pagkakataong nasa katinuan si Sir."

Si Sir, disiplinado siya. Tandang tanda ko pa noong elementary kami, kapag may hindi maayos magpanatang makabayan, tinatapik nyan ang kamay. Gusto nyan malinis kami. Masipag si Sir magturo. Mahusay siyang manamit. Siya ang aking inspirasyon kaya't ako'y naging guro rin. Ito ang ilan sa mga pangungusap na masasambit sa kanya.

Ngayon si Sir, hayun, nagpapagala-gala sa plaza, suot ang katulad na unipormeng suot ko dahil guro na rin ako. Baliw na siya. Wala ng nakikilala. Napabayaan na ang mga mga anak. Si Sir, hindi nakayanan ang suliranin. Sayang, ni hindi dapat si Sir nabaliw, subalit hindi  na nya nakaya ang pag-iisa at pag-iisip dahil sa pagmamahal sa kanyang asawa. si Sir, pinanghihinayangan ko. Nakakaawa.

Maaga pa rin siyang umaalis sa kanilang tahanan, hindi naliligo, subalit nagpapalit ng suot na uniporme, magsisimulang maglakad, mag-isa, nagsasalita mag-isa at uuwi sa tahanan, bago magdapit-hapon walang kinikilala, kahit ang mga anak niya. Umaga hanggang sa magdamag nagsasalita mag-isa, ibinubulong ang pangalan ng mahal niyang asawa.

"Isang malaking kalungkutan ang namutawi sa akin nang mabalitaan ko at makita ko mismo na si Sir ay isa na sa mga taong marungis na nasa kalye, wala na sa katinuan, baliw na. Nakakapanghinayang. Siya ang guro ko noong ako'y elementarya pa lamang-pahayag sa akin ng isang dating estudyante ng gurong nabaliw sa pagmamahal sa taong umiwan sa kanya."

Saturday, February 2, 2013

Ikaw

Makausap dili ka
Makasama paano nga
Araw-araw na dinarasal
Makapiling, makayakap din

Imposible mang isipin
Mahirap at hindi mapag-abot
Mundo mong kinagagalawan
Bukas kaya pwedeng pagtagpuin?

Kung wawariin natin
Iisa naman talaga ang damdamin
Nagkukumahog na pagnanasa
Ikaw't ako nga, iisa rin

Sa bukas na darating
Ikaw ang nais na maangkin
Walang hanggang panalangin
Sana sa huli, tayo pa rin.