Showing posts with label para sa iyo. Show all posts
Showing posts with label para sa iyo. Show all posts

Sunday, January 25, 2015

Bagong Paghihintay

Bagong araw, bagong gupit, bagong pag asa.
Bukas alam ko nandun ka na.
Tulad ng pagsuloy ng mga munting buhok
Ang pag ibig koy muling mag aalab.

Sa araw na ito positibo ako
Ang makitang nandun ka
Ang malamang ok ka
Pag asa koy di mababalam sinta.

Tunay na pag asang hatid sa akin tuwina
Makita ka sintang masaya 
Hindi mapapagod
Maghintay hanggang dumating ka.

Saturday, June 15, 2013

Haplos

Mahal,
Hanggang kailan
Maghihintay ang puso ko
Nangungulila sa iyo

Handog 
Ang buhay ko
Sa bawat pintig ng pulso
Ay alay lamang sa iyo

Lahat ibibigay
Basta't sa akin ika'y
'wag nang mawawalay



Sabihin mo sa akin
Kailan mali ang pag ibig
Kailangang  bang masaktan pa 
Ating mga damdamin

Yakapin mo ako
Oh hagkan mo akong muli
'wag kang bibitiw
Sabay nating lalakbayin 
Ang langit

Panu 
Magwawakas
Ang paghihirap ng dibdid

Sa Diyos ako'y nananalig

Handog 
Ang buhay ko
Sa bawat pintig ng pulso
Ay alay lamang sa iyo

Walang ibang hangad
Dahil itong puso
Ikaw lamang 
Ang pinapangarap