Showing posts with label umiibig. Show all posts
Showing posts with label umiibig. Show all posts

Friday, May 31, 2013

Sa Dako Pa Roon


Sa dako pa roon, 
Pusong umiibig,
Naghihintay, dumadalangin,
Sa iyong pagdating.

Kung sakaling pagdating
Hinintay man ding kay tagal
Matagal mang maghihintay
Hihintayin iyong pagbabalik.

Sa araw na ito'y
Tandaan aking giliw
Pagsintang kinikimkim
Pagsuyo sa 'yo'y damhin.

Halika't ramdamin
Pusong nagnanais
Yakap mo'y madama
Upang muli, maging isa.

Wednesday, February 13, 2013

Maligayang Puso


Masaya naman ako at nakausap kita, kahit papaano nagkausap tayo. Alam ko naman may pagtingin ka sa akin subalit, paumanhin hindi natin maibigay ang todong emosyon sa isa't isa. Malamang may tamang panahon para dito. 

Bukas "Araw ng Mga Puso" ang mga pusong umiibig ay may dahilan upang maipakita ang kanilang labis na pagmamahal sa iniirog. Ako, malungkot man subalit masaya sapagkat may mga taong patuloy na nagmamahal sa akin.

Nandyan ang aking mga magulang, mga kapatid, mga kaibigan at ang Lumikha na walang hanggang nagmamahal sa akin. Ako man ay nagmamahal din. Ikaw nga, "mahal kita", kahit hindi ko sabihin alam ko ramdam mo na mahal kita.

Maligayang "Araw ng Mga Puso."