Showing posts with label Humility. Show all posts
Showing posts with label Humility. Show all posts

Sunday, September 22, 2013

Pagpapakumbaba

Hindi naman talaga sinasabi sa sarili na mahusay kang lider. Dapat iba ang magsasabi nito. Nakakahiya namang sabihing naging mahusay akong lider pero yung mga taong nakasama mo naman ay ptuloy kang itinatatwa.

Friday, July 5, 2013

Tanging Karanasan

Busy ako lalo na sa mga panahon ngayon. Dahilan sa ang aming punongguro ay naka leave of absence dahil sa maselang pagdadalantao, ako ang naatasang Teacher-In-Charge (TIC) ng aming paaralan.

Nasa loob ako ng computer room ng pumasok ang aking kapwa guro na umiiyak. Hindi ko muna siya tinanong. Hinayaan ko muna siyang lumuha. Makalipas ang ilang saglit saka ako nagtanong ng bakit?

Isinaad niya ang sakit ng kanyang kalooban dahilan sa aking kpawa guro rin. Kaya't ninais ko na magpatawag ng pagpupulong upang maging maliwanag ang lahat.

Sa aking pakikipag-usap sa lahat, naisalaysay ko ang mga gawaing aking ginagawa na ako lamang ang gumagawa ng hindi nagrereklamo, dahil bahagi iyon ng aking pag-unlad. Gumagawa ako ng reports, nagsa-submit ng reports, umaatend ng meetings, mancom, kasabay pa ang pagiging coordinator ng boy scout at subject area coordinator, school property custodian, campus paper adviser subalit hindi ako nagrereklamo. Ni hindi ako minsan nagsalita na kalabisan na ata ang aking ginagawa at nagreklamo.

Nasambit ko sa aming pagmimiting ang isang pangungusap na ipinaalala sa akin ng aking dating kapwa guro, "makipagtalo ka na sa superintendent, o assistant superintendent, subalit huwag na huwag mong gagawing makipagtalo sa kapwa mo guro kasi sila ang lagi mong kasama,"aniya.

Hindi ko na rin makuha pang magtanim ng sama ng loob sa kapwa, sapagkat nakatimo rin sa aking isipan ang ilang katagang nasambit ng aking itinatanging kaibigan, "dahil matanda na ako, wala na akong panahon para magalit pa."

Ito ang dalawang pangungusap na aking ipinarating sa aking mga kapwa kaguro. Hanggang sa napansin ko, hindi lang iisa ang nangingilid ang luha, may isang lumuluha at marami ang nangingilid ang luha. Hindi ko na binanggit ano ang mga dahilan at nasambit ko ang mga ito sa kanila. Basta sinabi ko na lamang na bilang mga guro, tayo dapat ay maging mature sa mga bagay-bagay. Hindi dahil napapansin mo na sa iyo lamang lagi napupunta ang gawain, kalabisan na sa iyo iyon. Iyon ay dahil pinagkakatiwalaan ka, ipagpasalamat mo.

Sa aking palagay, ng mga oras na iyon, hindi man humingi ng paumanhin ang nakasakit na kaguro ko sa aking kapwa kaguro, marahil natauhan sila sa aking mga katagang binitiwan.

Mahirap na masarap pala talaga ang maging isang lider ng paaralan.subalit, pasalamat na rin ako sapagkat ang aking mga karanasan ang nagtuturo sa akin upang ako ay mas yumabong.Salamat.

Saturday, March 23, 2013

Hindi ko Inakala



“Kahit ako, natuto ako sa inyo,” ang pinakamatamis na pananalitang aking narinig sa araw na ito,mula sa isang well experienced at kagalang-galang na tao.

Niayaya ko siya na sumimba sa lugar kung saan ako nagtutungo kapag ika-23 ng buwan, at sya naman ay sumama subalit hindi ko ito inaasahan. Abalang tao siya bilang may mataas na posisyon sa kanyang pinagtatrabahuhan. Subalit, may kababaang loob pa rin siyang sumama.

Ipagpaumanhin, ako ay nahuli sa oras ng aming tagpuan.

Hindi ko inaasahan na ang kanyang mga salita ay magiging musika sa aking pandinig. Sinabi niya na, “Huwag ninyong ikakalaki ng ulo, pero ako ang natuto sa inyo. Natuto akong mas maging mahaba ang pasensya at natutunan ko na maging mas maunawain pa dahil sa ipinakita nyo sa akin.” Hindi ko akalain na ang aming pakikitungo sa kanya ay isang malaking bagay sa kanya at nagbigay pa pala kami sa kanya ng aral sa mga bagay na malimit naming ginagawa.

Ganito iyon. Hindi ko sinasabi na magandang gawain ito. Subalit malimit kasi kami ay huli sa aming mga pagpupulong. Bilang pangulo ng samahan, dapat sana ipinamamalas ko ang pagiging maagap sa mga pagpupulong, subalit baligtad ang nangyayare, malimit ako at ang aking kaibigan, na pangalawang pangulo naman ay nahuhuli. Malimit, nauunahan pa kami ng aming supervisor. Pero, sa halip na ikagalit niya ito, ginawa niya itong dahilan upang mas maging maunawain at mas maging pasensyosa upang mabago ang kanyang sarili at mailapit pa sa mga pangkaraniwang guro ang kanyang sarili at hindi katakutan. Kalimitan kasi, dahil strong yung personality nya, kinaiilapan sya ng mga guro. Pero oras na makilala mo sya, masasabi mo ang malimit naming sinasabi, sa mga nakakakilala sa kanya, “Ah, ok pala naman si Mam, basta’t sumunod ka lamang at tama ang gagawin, walang dapat ikapangamba.”

Ngayon, masasabi nyang, mas pasensyosa sya at mas maging maunawain dahil sa amin. Napakasarap pakinggan, kasi mas mataas ang posisyon nya sa amin, pero napaka humble nyang sinasabi ang ganung mga bagay. How I wish, mas maraming tao pa ang maging katulad nya. Upang sa ganun, bilang pangkaraniwang guro, mas magagawa namin ang aming responsibilidad na walang takot, walang pag-aalinlangan at walang kaba. Kung sana lahat ng nasa itaas (mga opisyal ng DepEd) ay magiging katulad nya, marami mang gawain, mahirap man ito, ok lang kasi may mga taong uunawa sayo, mali man pagpapasensyahan ka. Sana.  

Saturday, February 2, 2013

In Humility,Happiness and Contentment


Life is too short, that’s why people around us usually want to live their life to the fullest, both young and old, they want everything happens in just a click of a second, and that’s it.

But, do we consider God in our daily living?

Every aspect of our lives, we resulted to find happiness, enjoyment,  contentment, and  success in every field we wanted, no matter how it is, because we want it, by hook or by crook, we will find ways just to have it. Every time we wake up, we pray that whatever happens today, it must be according to our will, it must always be nice and makes us happy. But, there are few suggestions on how can we find happiness, in our very little way.

Happiness could be found in a very simple manner, we just need to be contented, be humble and be simple as I have stated.



Being contented on whatever you have right now is accepting the fact that no matter how small or big you have we should be thankful to God for He gave us enough to be used and spend our life together with our loved one such as families and friends. On the aspect of humility, according to Father Nicolas Schwizer “it   contains two life sentiments which are apparently in opposition: smallness and greatness. Whoever only experiences his own smallness will in the long run fall into an inferiority complex. On the contrary, whoever only experiences his owns greatness will become proud and presumptuous. In Mary, the human being par excellence, there is the perfect equilibrium: within herself she feels small, but at the same time, she feels loved and exalted by God.” So, we should be humble and not proud. Be simple, simplicity is next to being humble. We should be simple, in every field, and everything will fall in due time, you will be contented. You won’t clamor for the things that you don’t have, instead, you just be thankful later, because though you don’t have much at least, you have even a little.

In short, I should be telling it into myself. Even if I don’t have much, I should be thankful that I am still alive and God loves me for even though, I am not contented still He let me feels that I am not forsaken.