Hindi ko namalayan sa simula ng aking pagkabata doon mabubuo ang isang ako. Ako na siyang nagbibigay sa akin ng isang pagbuo ng pagkatao, pagkatao na siyang bubuo upang ipagpatuloy ang aking hinaharap. Sa hinaharap na ang lahat ng ito ay magiging pagkakabuo ng pagkatao, pagkatao na siyang magiging dahilan upang makahanap ng isang katagpo.Katagpo na magiging kasama sa aking haharapin, kung saan hahantong ang lahat ng ito ay magiging bahagi pa ng susunod na kabanata.
Saturday, October 22, 2011
Thursday, October 20, 2011
Simula Pa Lang
Kay rami ko nang nasimulan,ni hindi ko man lamang naisip simulang tapusin ang lahat ng ito. Walang sumilid sa aking isipan kundi ang maglagay at magsimula sa mga bagay na ako pala mismo ang magtatapos.
Sa simula, maasarap na isiping may ligayan kang nakamtan sa mga bagay na iyong nakamit, subalit nasaan ang kakuntentuhan sa buhay na sa minsang pagkakamit ng tagumpay ay pinipilit pang kamkamin ang kaligayan at katagumpayan ng iba?
Masarap naman sanang isiping iisa lamang ang pwedeng gawin, ang maging kuntento sa kung anong nakamit subalit piliting maging bahagi ito upang mas lampasan pa ang iyong nakamit.
Sa simula pa lang, alam na nating ang mga bagay na ito ay may katapusan. Sa katapusang ito, sana'y maalala natin, ikaw ang nagbigay ng daan upang mapadali o mapatagal ang kaligayanhang iyong nasimulan.

Subscribe to:
Posts (Atom)