Tuesday, October 29, 2013

Kapayapaan

Maaga akong pumnasok upang makita ang paaralan kung saan ako nagsesrbisyo.

Nakita kong abala ang mga bata sa paglilinis ng paligid, naging masaya ako. Alam ng bawat isa na kailangan ang kalinisan sa paaralan.

Dumako ako sa lugar kung saan may maganda akong motibo, ang malaman ang ginagawa ng mga guro.

Nagtuturo, nagpapaliwanag, ang mga bata, matamang nakikinig.

Natapos ang klase, walang ano-anuy nakita ko siyang lumapit sa akin, nakipag-usap ng masinsinan, nagpaliwanag at humingi ng paumanhin.

Ang tangi kong nasambit, kung mas maaga ka sanang naging ganyan, hindi sanma tgayo nagkaroon ng ganitong rapport sa isa't isa.

Ang mga oras na iyon ang naging simula ng magandang halimbawa ng kapayapaan.