Monday, June 1, 2015

Pagkikita

Tahimik na sandali
Ang gumising sa akin
Magkikita tayo
Sambit ng puso natin.

Agad sumang ayon
Agad naligayahan
Pagkakakatao'y sumidhi
Pagnanais sumagitsit.

Akalain kong oras 
Makakapagpagising sa akin
Matama ko mang isipin
Isipan ko'y basa mo rin.

Walang pagsidlan giliw
Kaligayahang natanto
Ikaw ang nais ko
Habambuhay walang maliw.

Nais kong ipaabot sa yo
Pagmamahal na natatago
Nais kong malaman mo
Lahat gagawin para sa yo.

ATC Moment kape...

ATC Moment kape...

Masarap magkape...

Nagtimpla ng kape si baby looove Eton-glen Pesebre, sa mga ka Tikling Patrol habang abala sa mga gawain,nilagyan nya ng tig iisang kutsarang asukal ang 7 tasang kape.
Sabi ni MaryRose Trinidad: Ang tabang. Kaya lahat ng kape ay dinagdagan nya ng tig-iisa pang kutsarang asukal...
Matapos madagdagan...
Comment ni Den Mar...
Den Mar: Wow, ano ito arnibal na? ( hahahaha)
Naalala ko lang habang break time.

Ikaw Lamang

Ilang araw na lumipas
Ilang gabing tahimik
Matinding pag-iisa
Matinding pakikibaka.

Masayang alalahanin
Araw at gabing kasama ka
Subalit sa oras na mag iisa
Tanging hilingnkayakap ka.

Hindi ko man sabihin
Hindi ko man maiparamdam
Kung di mo nararamdaman
Ikaw ay mahal kailanman.

Sa bawat yakap at halik
Sa bawat oras na kaniig
Pagmamahal ko kapantay
Pawis na ibinibigay sa yo giliw.

Pagtatago

Sabihin mang kaibhan pa
Ang mahalin ka aking sinta
Hindi man maipagmalaki
Mahal kita, dama o ba?

Pasasalamat

Sana sa kahit sandaling kasama kita, ang ligayang naipadama ko sa iyo ay maging habilin ng isang tulad kong nagpapasalamat sa bukas palad na pagbibigay ng panahong sa isang tulad ko. Ang iyong presensya ay nagbigay na naman ng isang karanasang di malilimutan.

Pagmamahal

Isang pag ibig
Nabuo sa isang pagkakaibigan
Nung una di mapaniwalaan
Hanggang sa maramdaman.

Hindi ko man masambit
Tuwid na salitang nais sabihin
Sana maramdaman mo
Mahal kita, mahal na mahal.

Sa tuwing maghihiwalay
Puso ay may lumbay
Subalit nandun ang pag asang
May bukas pang naghihintay.

Asahan mo
Tandaan mo
Mahal kita
Magpakailan pa man.