Sa aking kaibigan, hindi kita sinorpresa. Kung makikita mo ang mensahe ko, kahit paano nagtanong ako sa iyo. Kasi ang sabi mo nasa bahay ka lang. Nung time na itinext mo sa akin na ikaw ay nasa bahay at may ginagawa nagtanong ako kung pwede tumulong, pupunta ako sa iyo at liligo lamang. Yun nga lang late ka nagreply.
Sa aking kaibigan, alam ko may kanya kanya tayong buhay, may kanya kanya tayong pinagdadaanan. Ang pinagdadaanan mo malamang ay mas mabigat sa anumang nararamdaman ko, subalit unawa kita. Hindi ko gustong sirain ang araw mo. Sa totoo lang nang araw na iyon akala ko matutuwa ka na marinig na gusto kitang tulungan kahit paano, pero lahat ay isang akala.
Alam ko ayaw mo ng sinosorpresa ka, kaya ayaw ko rin naman na sorpresahin ka.Iginalang ko ang sabi mo, na bigyan kita ng space, ginawa ko iyon.Hindi na ako nagreply sa text message mo kasi sabi mo nga hindi nakakatulong.
Inuulit ko, kaibigan, I have posted it before, "I never expect anything from you".Knowing that you are there, even from afar, I am already happy. Things happened for a reason and purpose, now my silence means that whatever you have done, whatever you are thinking of, I will RESPECT it, I will DEAL with it.
Uulitin ko, wala akong plano na sa akin lang umikot ang mundo mo, kaibigan. I even told you, "sige hindi na ako tutuloy. Hahayaan ko naman na magkaroon ka ng oras sa iba mong kaibigan ", dahil hindi lamang naman dapat sa akin umiikot mundo mo.
Kung,... kung nang oras na iyon naghintay ka ng hindi ko alam, sa aking kaibigan, patawad.
No comments:
Post a Comment