Hindi kita niloko nang araw na iyon. Hindi ko gustong saktan ang damdamin mo, sa totoo lang hanggang ngayon malungkot ako dahil sa nangyayari. Ayokong matapos tayo ng ganito. Nang araw na iyon, alam mo na gusto kitang makasama, gusto kitang makita pero sabi mo abala ka. Sige,tatanggapin ko ang kamalian ko. Pero, sana naman mapagbigyan mo pa ako ng isang pagkakataon, mahalaga ka sa akin kaya ako ay nagkakaganito. Alam mo iyon. Sana sa lalong madaling panahon, mapanumbalik na ang ngiti sa iyong mga labi. Sana bukas, maramdaman ko nagbalik ka na bilang isang ikaw na aking nakilala at patuloy na pinahahalagahan. Hihintayin ko ang araw na muli, manumbalik ka. Hihintayin ko....
No comments:
Post a Comment