Tuesday, March 12, 2013

Si Lolo Ben


Si Lolo Ben, ay ang aming ama. Lolo Ben ang tawag namin sa kanya, kasi ito ang tawag sa kniya ng kaniyang mga apo. Para mas madali matandaan ng mga pamangkin namen, Lolo Ben na rin ang itinatawag namen sa kanya.

Sina Ate Angel at Nicole, ay magkapatid ang una ay Grade-I samantalang bunso si Nicole na nasa Grade-I, sila ay aking mga pamangkin.

Palibhasa sila lamang ang malimit magkalaro sa aming tahanan, ang mga inosenteng usapan ay sila na rin lamang ang mga piping saksi at ang malimit nilang yayain ng laro, si Lolo Ben.


Malimit, ako ay ginagabi mula sa paaralan. Madalas, ako ay nagpapakaon sa bantayn (lugar kung saan malimit ako ay kinakaon ni Lolo Ben sa tuwing ako'y ginagabi).


Kanina, napansin ko, "Lolo Ben andame nyo namang binibiling kendi?"ang tanong ko. May Maxx, may Chubby, may Kopiko, at iba pa. Anla ipapasalubong ko kina Angel at Nicole. Tumango lamang ako dahil naunawaan ko na si Lolo Ben.

Hanggang sa nagsimula nang umandar ang motor. Habang nagmamaneho, nagkwento si Lolo Ben. "Kanina, nag-uusap yung magkapatid. Ang sabi ni Nicole, "si Lolo Ben, matanda na. Hindi na nagma-magic"ang wika sa kausap niyang ate. Kaya eto at bumili ako ng kendi para mag-magic ako sa kanila pagdating ko sa atin.

Sa halip na ibigay ni Lolo Ben agad ang kendi sa dalawa, kinatuwaan na niyang mag-magic kunyari na may lalabas na kendi sa kanyang mga kamay na kung saang hangin nanggaling.

Kinatuwaan na ito ng dalawa kong pamangkin. ito ang madalas na sabihin nina Nicole at Ate Angel kapag dumarating sina Lolo Ben at Mama Teten galing saanman, halimbawa sa pamamalengke o kahit galing lamang sa kapitbahay. Ang buong pagaakala ng  magkapatid kasi, basta't umalis sina Lolo Ben at Mama Teten pagdating may pasalubong dahil galing sila sa bayan, kung saan malimit mamalengke sila.

Napaumis na lamang ako sa kwento ni Lolo ben. Naapektuhan sya agad. Ayaw niyang masabihan ng mga apo niya na siya ay matanda na kaya, hayun andameng pang-magic sa dalawa.

No comments:

Post a Comment