Malimit na ako ay pumunta sa inyong tahanan. malimit kong kausap ay ang iyong butihing ina at ang iyong yumaong ama. Hindi man ako direktang sa iyo ay nanliligaw, marahil inuna ko nang ligawan ang iyong mga magulang. Mahilig akong magdala ng mga pagkaing nagugustuhan nila, mga pag-uusap na malimit ikaw ang aming paksa na lingid ang lahat ng ito sa iyong kaalaman.
Hanggang sa isang gabi nagtapat na ako sa iyong mga magulang kung maaring hingin ko na ang iyong mga kamay? Wala namang pasubali ang kanilang sagot sa akin sapagkat taon na rin ang binilang ng aming pagkukuwentuhan, pagbabalik-balik sa inyong tahanan at pag-aabang sa iyong pagdating mula sa paaralan. Sapagkat malamang dahil na rin sa agwat ng ating edad naipagkatiwala na ng iyong mga magulang ang kinabukasan mo sa akin. Guro na ako ng ika'y mapasaking piling.
Ikinasal tayo na ni hindi ko alam kong nauunawaan mo kung bakit ka may suot na puting trahe de boda at bakit tayong dalawa ay nasa sa harap ng altar ng panahong iyon. Subalit, dahil mapagmahal ka at malaki ang tiwala mo sa iyong mga magulang lahat ng kanilang sinabi ay sinunod mo. Maligaya tayong nagsama hanggang sa nagkaroon tayo ng dalawang anak.
Lumipas ang maraming taon, naging mahusay kang guro sa mga paaralan mong pinagturuan kaya't kagyat kang na-promote bilang punungguro habang ako'y nanatiling guro sa kauna-unahan kong paaralang pinaglingkuran. Tahimik akong sumusuporta sa iyo at tahimik akong sumusunod at gumagabay sa iyong mabilis na pagtatagumpay. Nanatili ako roon, nagmamatyag at nagmamamahal.
Hanggang sa isang umaga nagising ako wala ka na sa aking piling. Itinanaong ko sa mga inay kung san ka naroon, impit ang kanilang dila. Dumaan ang mga araw, hanggang sa ang araw ay naging lingo at ang lingo ay naging buwan. Hindi na napigil ni Inay ang sarili at sinabing ikaw ay lumisan ng walang paalam, nag abroad ka ng walang paalaam.
Itinanong ko sa opisina ng iyong district supervisor kung totoo ang lahat hanggang sa wala rin siyang naipakitang magandang pruweba kundi ang iyong resignation letter kung nasaaan ka hindi rin nya alam.
Nabigla ako sa desisyon mo, hindi ko matanggap. Ang ating mga anak, nagtatanong kung nasaan ka, wala akong maisagot. Nahihirapan akong gumising ng wala ka sa aking tabi. Nahihirapan akong asikasuhin ang ating mga anak na babae, nagdadalaga na sila. Nahihiya akong umasa sa ating ina, ang aking biyenan. "Ang mga huling pagkakataong nasa katinuan si Sir."
Si Sir, disiplinado siya. Tandang tanda ko pa noong elementary kami, kapag may hindi maayos magpanatang makabayan, tinatapik nyan ang kamay. Gusto nyan malinis kami. Masipag si Sir magturo. Mahusay siyang manamit. Siya ang aking inspirasyon kaya't ako'y naging guro rin. Ito ang ilan sa mga pangungusap na masasambit sa kanya.
Ngayon si Sir, hayun, nagpapagala-gala sa plaza, suot ang katulad na unipormeng suot ko dahil guro na rin ako. Baliw na siya. Wala ng nakikilala. Napabayaan na ang mga mga anak. Si Sir, hindi nakayanan ang suliranin. Sayang, ni hindi dapat si Sir nabaliw, subalit hindi na nya nakaya ang pag-iisa at pag-iisip dahil sa pagmamahal sa kanyang asawa. si Sir, pinanghihinayangan ko. Nakakaawa.
Maaga pa rin siyang umaalis sa kanilang tahanan, hindi naliligo, subalit nagpapalit ng suot na uniporme, magsisimulang maglakad, mag-isa, nagsasalita mag-isa at uuwi sa tahanan, bago magdapit-hapon walang kinikilala, kahit ang mga anak niya. Umaga hanggang sa magdamag nagsasalita mag-isa, ibinubulong ang pangalan ng mahal niyang asawa.
"Isang malaking kalungkutan ang namutawi sa akin nang mabalitaan ko at makita ko mismo na si Sir ay isa na sa mga taong marungis na nasa kalye, wala na sa katinuan, baliw na. Nakakapanghinayang. Siya ang guro ko noong ako'y elementarya pa lamang-pahayag sa akin ng isang dating estudyante ng gurong nabaliw sa pagmamahal sa taong umiwan sa kanya."
"Isang malaking kalungkutan ang namutawi sa akin nang mabalitaan ko at makita ko mismo na si Sir ay isa na sa mga taong marungis na nasa kalye, wala na sa katinuan, baliw na. Nakakapanghinayang. Siya ang guro ko noong ako'y elementarya pa lamang-pahayag sa akin ng isang dating estudyante ng gurong nabaliw sa pagmamahal sa taong umiwan sa kanya."
magaling ang pagkakasulat.
ReplyDeleteSalamat true to life iyan kahapon q lang nlaman
ReplyDelete