Ilang araw na, hindi kita nakikita. Nakakamiss na hindi ka makausap. Ang mga linya sa bawat salita mo ay tila awit na kailangan kong mapakinggan dahil sa mga mensahe mong matututo ka talaga.
Nararamdaman ko ang pag-iisa sa tuwing hindi kita nakakausap. Nararamdaman ko ang pag-iisa sa tuwing wala ka sa inaasahan kong matatagpuan kita. May mga oras nag-iisip ako. Ikaw ba ay nagbago na? O kailangan mo ng pahinga upang maramdaman na mahal ka ng Lumikha?
Yung mga usapan naten, yun mga kwentuhang sabi nga "anything under the sun", nakakamiss. Mga kwento mo at mga tanong ko na wala namang saysay ay may makabuluhan talagang sagot sa iyo. Nasaan na kaya ikaw? O kailangan mo ngayong mamamahinga upang makapag-isip, makapagnilay o dahil talagang napakarami mong ginagawa?Anuman iyon, ang sabi ko nga sa iyo, nauunawaan kita. Pero hindi maalis sa akin ang ikaw ay ma-miss kumbaga.
Hindi ko man masabing mahalaga ka eh, sana nararamdaman mo na ikaw ay pinahahalagahan ko. Mahalaga ka. Nais kong malaman mo mahalaga ka. Sana maramdaman mo iyon.Ikaw nga iyon, sinabi ko na, "mahalaga ka."
No comments:
Post a Comment