Friday, March 29, 2013

Pagbisita



Sa loob ng mahigit tatlong dekada ng aking pananatili sa mundong ibabaw na ipinagkaloob ng ating mahal na Panginoon, tanging ngayong taon lamang ako naging bahagi ng kanyang sakripisyo, ang mag “stations of the cross.”

Bilang isang sagrado Katoliko, bahagi na ng isang mamamanata ang mag-bisita Iglesia, bago sumapit ang Biyernes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay.

Lunes, napagkasunduan ng aming pamilya na magsimba sa Quiapo. Marso 25 iyon. Sabik ang aking Ina na sumimba sa Quiapo Church sapagkat malimit itong feature sa telebisyon tuwing fiesta ng Black Nazarene, nais ng aking ina na maranasan ang makahalik man lang o makabisita sa kanyang dambana.

Tamang tama, Mahal na Araw. Unang destinasyon namin ang Quiapo Church. Ramdam ko ang tuwa sa puso ng aking ina nang makatuntong sa simbahan ng Quiapo. Dinaanan rin namin ang Sta. Cruz Church. Tanghali na, kaya’t dumiretso kami sa Baclaran Church. Tanghalian nang kami ay dumating roon. Matapos ang pagsimba, kami ay dito na nananghalian, may baon kaming mga pagkain nang araw na iyon. Sana ay titigil pa kami upang mamili sila ng mga murang bilihin, subalit hindi umayon ang panahon. Umulan. Sa halip, dumiretso na kami sa Intramuros upang puntahan ang Manila Cathedral, subalit ito ay under renovation kaya’t sarado. Huling tinungo namin ang San Agustin Church.

Matapo ang aming pag- stations of the cross, nagdiretso na kami sa Luneta Park upang ipasyal ang aming mga pamangkin na noon lamang nakapunta rito. Higit silang natuwa sa “dancing fountain.”

Mag-iikawalo ng gabi, amin nang nilisan ang Maynila upang bumalik na sa aming tahanan.Masayang natapos ang araw na ito.

No comments:

Post a Comment