Thursday, March 7, 2013

Guro at Mag-aaral


Isang pangkaraniwang araw. Walang masyadong mahalagang ginagawa, walang masyadong importanteng gagawin. Napagkatuwaan ng isang guro na makipagkwentuhan sa mga mag-aaral sa unang baitang. Palibhasa'y mga batang inosente, narito ang ilan sa kanilang mga napag-usapan.

Guro: Anong pangalan mo?
Bata: Michelle po.
Guro: Saan ka nakatira?
Bata: Sa San Pablo po.
Guro: Oo, san sa San Pablo?
Bata: Sa Balanga po. (ang kilalang tawag sa San Antonio I. Isang brgy sa San Pablo City)
Guro: Oo nga, san ang bahay nyo sa Balanga?
Bata: doon po?
Guro: San doon? Sa Silangan, sa Arawan, sa Sungwan, Sa Arawan, sa Pook, Sa Israel, Sa Villabirds? (mga lugar sa Balanga)
Bata: Doon po sa Arawan.
Guro: Saan sa Arawan?
Bata: Sa may Tindahan po.
Guro: Saang tindahan?
Bata: Yung malapit po sa amin....
hahahaha.

Eto pa.
Guro: Ano ang trabaho ng iyong ina.
Bata: Wala po.
Guro: Anong ginagawa sa inyo ng iyong ina?
Bata: Nanonood po ng t.v.
Guro: Hindi naglalaba ang iyong ina?
Bata: Hindi po.
Guro: May labandera kayo?
Bata: Opo.
Guro: Ah, mayaman kayo?
Bata: Opo....
hehehehehe

Isa pa.
Guro: Ilan kayong magkakapatid?
Bata: Ako lang po sa amin.
Guro: Wala kang kapatid?
Bata: Wala na po.
Guro: Siya sabihin mo sa iyong ina gusto mo ng kapatid.
Bata: Ayaw ko po ng kapatid.

No comments:

Post a Comment