Sunday, June 9, 2013

Pagmamahal ng Isang Ina

June 3, ang unang araw ng pasukan. Maraming tao sa loob ng paaralan, mga magulang, lolo,lola, nanay, tatay at mga kapatid, syempre nandun din ang mga guro,kapwa ko guro.


Marami ring naghihintay sa tapat ng aking silid. Binuksan ko ang aming silid at excited pumasok ang mga bata. Marami na ang bata ko sa unang araw ng pasukan pa lamang.


Subalit, hindi ako pwede sa amoy ng pintura. Ilang araw bago ang pasukan, nagpapintura ako ng upuan ko. Hindi ko maaring hindi maamoy ang masakit sa ilong na pintura. Sa madaling salita, halos maghapon akong bumahin nang bumahin. Uminom man ako ng gamot na antihistamine, wala ring epekto. Mag-aawasan na halos nanlalambot na ako. Mabigat na ang aking pakiramdam.

Umuwi ako sa bahay halos dapit-hapon. Inaalok ako ng aking Ina ng hapunan subalit diretso lamang ako sa aking higaan. Hindi na ako nakapaghapunan pa.

Hindi man ako nagsalita, ramdam ng aking ina ang aking masamang pakiramdam. Hindi pa lumalalim ang aking pagtulog ay ginising ako ng aking ina upang painumin  ng katas ng kalamansi. Umuubo ubo ako paminsan-minsan kaya't hindi rin makatulog ang aking ina. Bumangon sya sa pagkakahiga at ako'y minasahe ang likuran pati lalamunan ng isang vapor rub upang gumaan ang aking paghinga at huminay ang  pag-ubo. 

Sa loob ng ilang oras, maya't maya bumabangon ang aking ina upang ako ay silipin kung maayos ang pagkakatulog ko.

Hindi siya umiidlip ng malalim upang sa oras na ako'y umubo ay makabangon sya upang ako'y asikasuhin. Walang kapantay talaga ang pagkalinga at pagmamahal ng isang ina. Kahit may edad ka na, bilang isang ina, aasikasuhin at aasikasuhin ka nila hangga't kaya nila.

Maraming salamat sa mahal kong ina. Siyempre nandyan din naman ang aking ama. Umaalalay sa aking ina kung sya'y pagod na pag-aasikaso sa amin. Kapag ang aking ina ang hindi maganda ang pakiramdam, to the rescue ang aking ama.

No comments:

Post a Comment