Wednesday, June 12, 2013

Internet Connection


Umuwi akong may kalungkutan sa aking sarili. May tao akong nais makita. May tao akong gustong makita. May nais akong masilayan, subalit hindi ko nagawa...walang magawa.

Pagdating sa bahay, diretso lang ako sa aking higaan. Palibhasa,umaambon,malamig, hindi ko na ninais na kumain ng hapunan kahit ako ay inaalok ng aking ina sapagkat busog pa naman ako. Malungkot rin syempre. Ninais ko man na makausap ang taong gusto kong kausapin hindi nangyari.

Nagkaroon ng pagkakataon na makagamit ng internet. Sa aking palagay,magigigng masaya ako, subalit isang kabalintunaan. Mahina ang signal ng internet.

Pinipilit kong maka-connect muli upang makapag-unwind man lang. Maraming online na kaibigan sa mga oras na iyon, subalit pinatatakam lamang ako ng aking signal,mawawalan, magkakaroon. Gusto ko mang mangumusta sa taong gusto kong kausapin ang signal na ito ang hindi umaayon.

Minarapat ko na lamang na itigil na ang pagnanais na makausap ang nais kong kausapin, marahil abala rin sya kaya't gumawa na ng paraan ang internet connection na ipagpaliban ang pang-aabala ko sa kanya. 

Araw pa naman ng "kalayaan." Bilang isang mamamayang nakikinabang sa kalayaang nakamit mula sa pakikipaglaban ng ating mga bayani, na nagbuwis ng buhay, isang pagpupunyagi sa ating mga dakilang bayani. Salamat sa inyong inialay na buhay. Ang mga kabataan, matapos ang inyong pagsusumikap na makamit ang kalayaan, ay ang siyang magpapatuloy ng pangangalaga upang ang kalayaang nakamit at ipinaglaban ay manatili.

Isa pa, nananatili akong malaya,nabubuhay ng naayon sa aking kagustuhan. Ito kahit na humina ang koneksyon ng aking net sa araw na ito, ay dapat kong ipagpasalamat.

Ipinagpapasalamat ko ang mga ito.Gayundin,kahit sa konting sandali,nakausap ko ang taong nais kong kausapin.


No comments:

Post a Comment