Saturday, June 29, 2013

Salamat Mam

June 28, isang magandang umaga ang sa lahat ay naghihintay sa paaralan.Lahat ay naghihintay sa pagdating ng isang mahalagang tao sa araw na ito, sii Bb. Gloria Gamo Corcega.

Guro ng may tatlumpung taon sa pampublikong paaralan, si Bb. Corcega. Guro ng ikatlong baitang sa paaralang akin ring pinagtuturuan, ang San Antonio I Elementary School, lunsod ng San Pablo.

"Bakit walang tao sa mga room?Bakit tahimik?" ang bungad niya pagpasok ng tarangkahan ng paaralan. Sinabi ko, "hindi ko po alam. Pero tingnan natin sa may covered gym, Inay ( ang aking itinatawag kay Mam Uyeh, ang kanyang palayaw).

Sa likod nandun ang mga bata. Matamangnaghihintay sa kanyang pagdating. 

Sinimulan na ang programa sa kanyang pagdating. Ang bawat baitang ay may inihandang presentation, may sumayaw, tumula, at umawit. Panauhing pandangal ang dating pangulo ng PTA, si G. Dante Maralit na naghandog ng mga mala-pang-haranang awitin.

Bumuhos ang tuwa at luha sa paghahandog ng bouquet of flowers at balloons sa ating tanging Ina ng paaralan.

Bakit ba may ganitong pagdiriwang? Huling araw na ng pagiging guro ni Inay. Magreretiro na siya. 

Ninais niyang isekreto ko ang kanyang pagreretiro sa mga kasamahan, kaya't sinekreto ko talaga siya na may inihanda kaming programa sa huling araw niya sa aming paaralan.

Maraming salamat, Inay (Bb. Gloria Corcega).

No comments:

Post a Comment