"Vince, maaga ang gising bukas kasi sa umaga recognition, sa hapon emcee ka pa ng graduation," ito ang huling winika ng aming punongguro sa akin bago ako umuwi kahapon, March 18, 5:30pm.
March 19, 7a.m, pinilit kong makarating nang maaga sa paaralan upang ihanda ang mga gagamitin sa Recognition Rites, sa ganap na ika-8 ng umaga. Dumating ako sa paaralan, marami-rami na rin ang mga tao, abala ang mga kapwa ko guro at mga bata sa paghahanda ng mga gagamitin sa event pati mga silya at mga sound system. Ako na ang nag-asikaso ng laptop at LCD projector na gagamitin.
Ika-8 na ng umaga, nakahanda na ang lahat. sa mga oras na ito, nakapsaok na sa bulwagan ang mga magulang. Uminom ako ng aking gamot para mas maging maayos ako.Subalit isa sa side effect nito ay ang aantukain ako. Bago pa magsimula ang panalangin, nagpaalam ako sa aking co-teacher na iidlip lang ako saglit. Mga halos 10mins na akong nakakaidlip, tumawag na sa cellphone ang aking punungguro, nasaan daw ako.
Nagbibigay na kasi ng awards sa mga bata, ako ang kanyang Teacher-In-charge, ako na raw muna ang tumayo sa stage para sa kanya kasi siya ang namamahala sa projector. Napakamaunawain ng aming punungguro. Dahil sa abala ako, at wala pa sa mga kasamahan kong guro ang marunong sa LCD, siya namuna ang nag-asikaso ng video presentation.
Ang stage puno ng mga letter cut-outs na nanlalaglag (hahaha)
Ika 1 na ng hapon. simula na ng graduation at ako ang guro ng palatuntunan "emcee". Nagsimula nang pumasok ang mga magsisipagtapos, mga magulang, mga guro, punungguro at mga panauhin, nang malaglaglag ang isang titik "A"sa salitang "Taunang". Dahil hindi pa nagsisimula, habang pumapasok pa ang mga panauhin, ikinabit ko dali-dali ang titik na nalaglag.
Tumutugtog ang panalangin, hayun nalaglag sa pagkakadikit ang salitang "paghubog" sa paksang K-12 Basic Education Curriculum: Tungo sa Paghubog ng mga Makabagong Lider ng Bansa", ang tema sa taong ito ng pagtatapos. Sa madaling salita, mabilis ko itong ipinagkit habang nagsasalita ang Education Program Suprvisor sa bahaging confirmation. Siyempre wala akong magagawa kundi ang idikit na naman iyon.
Ang mga lalakeng nagtapos
Namamahagi ng diploma, nalaglag ang titik "N", ang malimit mahulog na si titik "A", si number "3" sa salitang Ika-33. Lahat ito, maya't maya ikinakapit ko. Napansin ko, payat ang double sided tape na ginamit, hindi malapad kaya madaling malaglag ang mga letra.
Humanap ako ng double sided tape, sa ilalim ng podium, habang may nagsasalita. Hayun meron,ang pagkakataon nga naman kaya pala iniwanan dun, ubos na....Nagkaroon ako ng pagkakataon na bumaba ng stage, kasi nagsasalita ang aming guest speaker. Tinawag ako ng aming EPS in English, akala ko kung anong mahalagang sasabihin, ito ang winika niya "Vince, bumalik ka sa stage, walang tagadikit ng nalalaglag, kasi nalaglag na ulit yung letter A,"sabay tawa ni Mam.Medyo,kabiruan ko si Mam.Malimit kami magkasama sa journalism.
Humanap ako ng double sided tape, sa ilalim ng podium, habang may nagsasalita. Hayun meron,ang pagkakataon nga naman kaya pala iniwanan dun, ubos na....Nagkaroon ako ng pagkakataon na bumaba ng stage, kasi nagsasalita ang aming guest speaker. Tinawag ako ng aming EPS in English, akala ko kung anong mahalagang sasabihin, ito ang winika niya "Vince, bumalik ka sa stage, walang tagadikit ng nalalaglag, kasi nalaglag na ulit yung letter A,"sabay tawa ni Mam.Medyo,kabiruan ko si Mam.Malimit kami magkasama sa journalism.
Haist, natapos ang aking pag-eemcee, na sa bawat oras na wala akong ginagawa, ako ang nagkakapit ng mga titik ng nalalaglag kasi ako lamang ang tao sa stage.Hahahaha.
Ang mga babaeng nagtapos
Subalit sa kabuuan, naging solemn ang pagdaraos ng pagtatapos sa taong ito. Naging masunurin ang mga magulang, siyempre masunurin, hindi naging pasaway. Sinunod nila ang tagubilin bago magsimula, habang at pagkatapos ng seremonya. Kaya, kahit si kapitan nabanggit sa aming bagong talagang punungguro, "Mam, maganda po ngayon ang ating graduation, tahimik po."
-ako po ay guro sa Paaralang Elementarya ng Antonio I,Lunsod ng San Pablo.
No comments:
Post a Comment