“Kahit ako, natuto ako sa inyo,” ang pinakamatamis
na pananalitang aking narinig sa araw na ito,mula sa isang well experienced at
kagalang-galang na tao.
Niayaya ko siya na sumimba sa lugar kung saan ako
nagtutungo kapag ika-23 ng buwan, at sya naman ay sumama subalit hindi ko ito
inaasahan. Abalang tao siya bilang may mataas na posisyon sa kanyang
pinagtatrabahuhan. Subalit, may kababaang loob pa rin siyang sumama.
Ipagpaumanhin, ako ay nahuli sa oras ng aming tagpuan.
Hindi ko inaasahan na ang kanyang mga salita ay
magiging musika sa aking pandinig. Sinabi niya na, “Huwag ninyong ikakalaki ng
ulo, pero ako ang natuto sa inyo. Natuto akong mas maging mahaba ang pasensya
at natutunan ko na maging mas maunawain pa dahil sa ipinakita nyo sa akin.”
Hindi ko akalain na ang aming pakikitungo sa kanya ay isang malaking bagay sa
kanya at nagbigay pa pala kami sa kanya ng aral sa mga bagay na malimit naming
ginagawa.
Ganito iyon. Hindi ko sinasabi na magandang gawain ito.
Subalit malimit kasi kami ay huli sa aming mga pagpupulong. Bilang pangulo ng
samahan, dapat sana ipinamamalas ko ang pagiging maagap sa mga pagpupulong,
subalit baligtad ang nangyayare, malimit ako at ang aking kaibigan, na
pangalawang pangulo naman ay nahuhuli. Malimit, nauunahan pa kami ng aming
supervisor. Pero, sa halip na ikagalit niya ito, ginawa niya itong dahilan
upang mas maging maunawain at mas maging pasensyosa upang mabago ang kanyang
sarili at mailapit pa sa mga pangkaraniwang guro ang kanyang sarili at hindi
katakutan. Kalimitan kasi, dahil strong yung personality nya, kinaiilapan sya
ng mga guro. Pero oras na makilala mo sya, masasabi mo ang malimit naming
sinasabi, sa mga nakakakilala sa kanya, “Ah, ok pala naman si Mam, basta’t sumunod
ka lamang at tama ang gagawin, walang dapat ikapangamba.”
Ngayon, masasabi nyang, mas pasensyosa sya at mas
maging maunawain dahil sa amin. Napakasarap pakinggan, kasi mas mataas ang
posisyon nya sa amin, pero napaka humble nyang sinasabi ang ganung mga bagay.
How I wish, mas maraming tao pa ang maging katulad nya. Upang sa ganun, bilang
pangkaraniwang guro, mas magagawa namin ang aming responsibilidad na walang
takot, walang pag-aalinlangan at walang kaba. Kung sana lahat ng nasa itaas
(mga opisyal ng DepEd) ay magiging katulad nya, marami mang gawain, mahirap man
ito, ok lang kasi may mga taong uunawa sayo, mali man pagpapasensyahan ka.
Sana.
No comments:
Post a Comment