Sunday, March 10, 2013

Pagtanggap


Isa sa magandang pangungusap na aking nabasa ay ang winika ng aking kaibigan, "wala na akong panahong magalit pa. I'm getting old na."

Kung sa bagay, tama siya. Ako, siya, tayong lahat ay tumatanda na. Kung patuloy nating papansinin ang mga bagay na hindi umaayon sa ating kagustuhan, tayo ba ay magiging masaya? Hindi siyempre. Ang mabuti pa, anuman ang nangyari sa ating nakaraan kailangang tanggapin natin, anuman ang nagawa ng ating kapwa sa atin na sa palagay natin ay hindi maganda, patawarin sapagkat kung patuloy nating bibigyan ng panahon at isipin ang mga bagay na ikagagalit natin, madali tayong tatanda. Madali tayong magkakasakit, hindi tayo liligaya, madali tayong mamamatay.

Bakit nga ba hindi natin bigyang pansin ay ang mga magagandang bagay na ang Diyos mismo ang nagbigay. Ipagpasalamat na tayo ay gumigising araw-araw, may sariwang hangin na nilalanghap, may pamilyang kasa-kasama, may kakulangan man, atleast buhay pa tayo. Maari pa nating makamit ang mga mithiin huwag lang tayong tumigil sa pangangarap at pagpupursigi.

Mahirap gawin, pero kinakaya niyang gawin, nakakayanan niyang isagawa. Sana ako rin, makayanan ko. Pipilitin kong maging mapagpasensya pa ng lubos at wagas na tatanggaping hindi lahat ng nais ko ay maari kong makamit, subalit may dahilan ang lahat kung bakit hindi agad-agad sila nagaganap sa loob lamang  ng isang segundo. 

Ang lahat ay dapat tanggapin nang maluwag sa puso at maging bukas lamang tayo sa  pagpapatawad upang mas maging masaya ang ating buhay at maging magaan para sa atin ang pamumuhay sa araw-araw.


No comments:

Post a Comment