Nobody’s perfect.
Hindi ko kailangan ang
perpektong buhay, hindi ko kailangan ang perpektong tao, hindi ko kailangan ang
perpektong mga kaibigan, kailangan ko ang isang “ikaw”.
Hindi ibig sabihin ng isang “ikaw”
nag-iisa kayo. Hindi,marami kayo subalit ang malaman ko na sasabihin mo sa
akin na nandito “ako” bilang “ikaw” na handang umunawa sa akin at sa isa’t isa masaya
na ako. Ituturing ko ang araw na ito na isa sa napakalungkot na araw. Ang
araw na nawalan ako ng isang mahalagang tao, isang kaibigan, isang itinuring na
kapamilya, nakakalungkot, subalit hihintayin ko ang araw na muli tayong magkita
at magkaharap upang maayos ang mga bagay na hindi natin naayos nang mga nagdaang
araw na lumipas.
Hindi ko nanaisin pa ang
napakaraming kaibigan kung hindi ka totoo. Hinahabol kita dahil mahalaga ka.
Humihingi ako ng labis na patawad anuman ang aking nagawa dahil alam ko hindi
ako perpekto at sinabi mo rin hindi ka
perpekto, subalit sa oras na magbalik ka isang mahalagang regalo ito na muli ay
aking ipagpapasalamat.
No comments:
Post a Comment