Wednesday, May 8, 2013

Safe Ito


Tanghalian. Masarap ang inihandang tanghalian ng ina ng isa sa aking co-teacher. Bulanglang na sitaw at pritong dilis na lalong pinasarap ng sukang may lahok na sili, dinikdik na bawang. Nabusog kami sa pagkain sobra, kasabay ko sa pagkain ang dalawa ko pang kapwa guro.

Natapos ang aming pananghalian dakong ika-isa na ng hapon. Iyon ay dahil sa habang kumakain kasabay ang masayang kwentuhan, kaya’t inabot na halos ng isang oras ang pananghaliang iyon.

Iniligpit na namin ang aming pinagkainan nang makadama ako ng biglang kirot ng sakit ng ulo. Hindi ko alam kung ito ba ay dahil sa sobrang kakatawa o dahil lang talaga sa sobrang init ng panahon.

Mabuti na lamang, to the rescue ang aking co-teacher, baon niya sa loob ng kanyang bag ang gamot na ini-indorso ni John Lloyd, ang Biogesic. Pwedeng inumin, kahit walang laman ang tiyan. Pero sa pagkakataong ito, busog na busog ako. Kaya safe na safe talaga. Mabuti na lamang handa lagi si Mam. Ako na halos ang umubos ng Biogesic na laman ng kanyang bag, dahil sa loob ng ilang araw na pagpunta sa paaralan, nagkakataon, kumikirot ang sakit ng ulo ko. Handa naman siyang magbigay ng gamot.

Maraming salamat po sa pagiging mapagbigay lalo na sa baon mong Biogesic.Hehehe.

No comments:

Post a Comment