Sunday, May 19, 2013

Salamat Kaibigan

Anuman ang nais mo sana sa iyong paglalakbay maging matagumpay ka. 

Ang mga araw na naging bahagi ka ng aking pang araw araw na pamumuhay ay isang mahalagang bahagi ng aking nakaraan. Hindi ko ninanais na baguhin ka anuman ang nais ko. Ang maging ikaw ay malayang maging ikaw at ako man ay ganun din. Nanghihinayang lamang ako subalit mula simula hanggang sa mga oras na ito wala akong niloko, at kahit ikaw ay hindi ko niloko. 

Ang pagbabago ng iyong desisyon ay aking tinatanggap masakit man sa aking kalooban. Alam ko marami kang nakakasalamuha at marami ka ring natututuhan. Ssa totoo lang hanggang sa ngayon, hindi malinaw ang lahat sa akin ng iyong ipinagkakaganyan. Bilang isang kaibigan naging mahalagang bahagi ka ng aking pagkatao. Hindi ko alam bakit ka nagkaganan. O siguro nga anuman ang ipinakita mo sa akin iyon ay ang isang bahagi lamang ng pagkatao mo. Hindi na kita pipilitin pang linawin anuman ang nais ko na maging malinaw. Anuman ang plano mo ay wala akong balak hadlangan. 

Ang sa akin lamang, bakit hindi malinaw ang lahat? Matalino ka, alam ko. Pero ipagpaumanhin mo, sa isang katulad ko na hindi marunong bumasa ng nasa isip ng iba, nalulungkot ako. Dahil ang itinuring ko na matalik na kaibigan ay isang parang bulang naglaho na lamang ng hindi ko nalalaman ano ang mabigat na dahilan ng lahat. Nakakalungkot pero siguro dapat kong tanggapin, ikaw yan, desisyon mo iyan. Hindi kita pinipilit na ako ay unawain. Pero nakilala kitang malawak ang pang-unawa. Nakilala kitang may mahabang pasensya at nakilala kita na may mataas na pag-iisip pagdating sa mga bagay-bagay. Ang nakakalungkot, kahit ako na ganun ang pagkakilala ko, bakit biglang nabago?

Hindi ko alam ano pa ang ibang piangdadaanan mo, pero salamat. Salamat sa oras na ibinigay mo sa akin. Salamat sa iyong naging presensya at salamat dahil kahit paano, nakilala kita.Dasal ko ang iyong pagtatagumpay.

No comments:

Post a Comment