Marami tayong pwedeng sabihin sa ating sarili na wiwikain sa iba. Maaring sabihin natin na mahusay tayo.Magaling tayo. Pero mas mahusay sana at mas gagaling tayo kung iba ang magsasabi nito at hindi tayo mismo ang nagsasabi para sa ating sarili.
Sunday, September 22, 2013
Lider
Hindi namin ginagawa ang mga bagay na nais namin para sa sarili naming kapakanan. Kasama o bahagi ito ng aming responsibilidad. Dahil sa responsibilidad na ito, alam namin dapat naming ayusin ang mga bagay na mas magiging dahilan ng mas maayos na kapaligiran at kondisyon ng mga taong aming paglilingkuran. Iniisip namin ang kapakanan ng nakararami.
Pagpapakumbaba
Hindi naman talaga sinasabi sa sarili na mahusay kang lider. Dapat iba ang magsasabi nito. Nakakahiya namang sabihing naging mahusay akong lider pero yung mga taong nakasama mo naman ay ptuloy kang itinatatwa.
Friday, September 20, 2013
Kawan Holiday 2013
Bagyo man ang sumalubong sa ikalawang araw ng 2013 Kawan Holiday ng lunsod ng San Pablo,dagsa pa rin ang mga magulang, troop leaders at mga KAB at KID iskawt, sa pagbubukas nito, ikawalo ng umaga sa Paaralang Sentral ng lunsod, Setyembre 21.
Dumating sa naturang programa ang council scout executive na si Sctr. Joselito A. Dinglasan, council chairman, Sctr. Paul Michael Cuadra, at panauhing pandangal ang congresswoman ng 3rd district ng Laguna si Congw. Sol Aragones.
Bahagi ng pagsasalita ni Congw. Aragones ang pagbati sa pagdaraos ng council ng ganitong programa at pinasaya niya ang mga batang iskawt dahil sa maagang regalong bag mula mismo sa kanya.
May mga palaro sa nasabing pagdiriwang tulad ng relay, bakya sikwit, hampas palayok, roleta, at iba pa.Highlight nito ang Kab Palabas na nilahukan ng apat na distrito mula sa San Francisco, Lakeside, Fule at Sto Angel. Pinagwagian ng Lakeside District ang unang pwesto, sinundan ng Sto Angel at Fule-Almeda.
Tema ng taong ito ang "KID at KAB: Susi sa Tagumpay, Daan sa Pag-unald"
Ngumiti naman ang araw bago matapos ang programa sa maghapong iyon, kasabay ang ngiti sa labi ng mga bata, gurong lider at mga magulang.
Saturday, September 14, 2013
Pasensya
Huwag mo sanang ubusin ang pasensiya ko kaibigan. Ahyokong humantong tayo sa personalan.
Sana...
Ang mga naging estudyante ko, sobrang attached sa akin na even up to this moment ay nagtetext at nagpapasalamat sa akin subalit hindi ko kailanman binigyan sila ng pagkakataon na maramdaman ng bago nilang guro na ma-insecure sa akin. Hindi ko ipinararamdam na dapat ay lagi silang pumunta sa akin para ikumpara man kami o hindi. Hindi ko iyon ginagawa. Subalit...
Bakit ang dinatnan kong paaralan, hindi maka get over ang dating namumuno rito?Hindi ko alam ano pa ang motibo nito subalit sa aking palagay hindi ito nakakatulong sa akin, bagkos nakadaragdag pa ng stress sa akin.
Paano ako makakagawa ng maayos, kung bawat lapit sa iyo ay tatangkilikin mo?Hindi mo ba kayang sabihing sa bagong hepe ka na lamang magsalita at huwag na s akin. May bago na akong paaralan. Hindi na rin naman makakatulong kung sa akin ka magsasalita. Sa kanya ka na lamang magsalita.
Kung ganito ang magiging attutude mo, siguro hindi magiging stressful ang buhay lider ko, sa palagay mo?
Subscribe to:
Posts (Atom)