Tinawagan ako ng aming council scout executive if willing daw ba ako na sumama sa 10th National Rover Moot sa Aklan, at mabilis ang pagsagot ko ng oo. Walo kaming nagtungo rito.
Madaling araw, bumiyahe kami patungong Manila para sa maagang schedule ng flight puntang Caticlan. Bago mag ika-10 ng umaga, bumaba ang eroplano sa airport ng Aklan.
Mula sa itaas hanggang sa ibaba kita ang hagupit ni Yolanda. Hindi nakalampas ang airport mismo at sa pagtungo namin sa venue, makikita sa seaside ng Sibuyan sea ang mga bahay, nakatumba, walang bubong, walang dingding, giba.
Nagsisimula na ang opening program ng dumating kami sa Pilot Elementary School. dito kami manunuluyan sa loob ng limang araw.
Maingay ang paligid, generator pala ang gamit sa programa dahil brownout.
Dumating ang gabi, pinili naming mamahinga sa isang hotel na may murang accomodation dahil sa walang kuryente, tiyak lamok ang hindi magpapatulog sa amin.
Maagang gumising ang mga delegasyon mula sa iba't ibang council handa na.
Handa na para sa pagtulong. Bawat paricipating council ay binuo ng iba't ibang team at ginurupo upang tumulong sa pagsasaayos ng mga paaralang lubhang naapektuhan ni Yolanda.
Tinungo namen sa loob ng ilang araw na aming pagtigil sa Aklan ang Pook E/S, Caano E/S at ang GLV NHS, pawang mga nasalanta ng bagyo.
Nagpukpok, nagwalis, nagland scape, nagsalansan ng mga yerong nilipad ng hangin, mga bakal na nayupi, nagbakod at nagsemento.
Masaya ang karanasang iyon. Mismong oras, pagod at panahon namin ang iniukol namin para sa mga batang naroroon sa mga paaralang aming pinagsilbihan sa kaunting panahon.
Masarap tumulong, walang kasingligaya.