Saturday, January 19, 2013

Ikaw na ang Bahala


Ikaw na ang Bahala

Saan ka pupulutin?

Hindi ko kailanman naisip na ang mga bagay na aking nararanasan ay kulang pa upang matutunan ko ang halaga ng buhay.

saan mo pupulutin ang totoong taong magpaparaya upang unawain, mahalin at manatiling tapat sa iyo hanggang sa huli?

Tanging ang pagbabago ang nananatiling bahagi ng isang pangmatagalang kaagapay sa buhay. Hindi mo ninais na maranasang masaktan,subalit ang sakit na iyong mararamdaman ang siyang magiging dahilan ng iyong katatagan.Sa isang blog ng isang malapit na kaibigan, ninanais niyang mahilom ang sugat na nalikha ng isang mapait na kahapon at patawarin ng ganun na lamang ang nagkasala sa kanya. Hindi na rin niya ninanais na mabago pa ito, tanging paghilom na lamang sa sugat na nilikha ng kahapon. Nawa matularan ko ang kanyang naisin. maalis sa isip ang munting paghihiganti.

Sana,sana....



No comments:

Post a Comment