Sunday, August 18, 2013

Masarap na Umagahan

Maghapon ako sa loob ng aming tahanan.

Maagang nagising,marahil sa nasanay na ang aking katawan na gumising nang maaga. Hindi agad ako bumangon,.Nakipagtext muna ako sa aking mga kasamahan sa eskwela at mga kaibigan. Bandang alas otso, naamoy ko ang masarap na pinakukuluang nilagang baboy ng aking ina.Nang marinig kong sabihin niya na maari na kaming kumain, kagyat akong bumangon upang kumain.

Paborito ko ang mainit na sabaw. Kumuha ako ng isang pirasong sili sa labas ng bahay, at inilahok ito sa nilaga. Mainit ang sabaw, malamig ang paligid. Maanghang anghang ang aking sabaw, ngumingiti sa tuwa ang aking mga labi, dahil sa sarap ng niluto ng aking ina.

Tagaktak ang pawis sa aking katawan, noo, likod, braso, hay... sobrang ligaya ko.

Matapos kumain, balik sa higaan, nag internet, at sabay nakinig ng magagandang musika na naka save sa aking cellphone.

Maram,ing salamat aking ina.

Wednesday, August 14, 2013

School Head

Sila ang mga taong nagparamdam ng tunay na kapamilya.Sila rin ang mga taong naging maligaya at malungkot sa aking paglisan sa aking dating paaralan.

Salamat mga kasama ko sa San Antonio I teaching force,hindi nyo alam gaano ako naging maligaya, sa halos  limang taong paglagi ko sa munting paaralan natin. Munti mang masasabi, subalit ang mga puso ng mga kapwa ko guro dito ay pawang busilak at mapagmahal nang tapat. Wagas ang paggalang at pagmamahal na naramdaman ko mula sa inyo. Ipinaramdam nyo na ako bilang dati ninyong kaguro ay inyong minahal at inaruga.

Kayo ang nagparamdam sa akin na ako ay isa na talagang ganap na lider ng isang paaralan,. Maliit na paraan man ang inyong iniwan sa akin, ito'y panghabambuhay ko ng kaligayahan. Ipinaramdam nyo sa akin na ako ay isang school head na talaga dahil sa pagbibigay nyo sa akin ng isang table tag na may nakalagay na "VIVENCIO S. PANGANIBAN JR." SCHOOL HEAD.

Napakasaya ko sa araw na ito, sapagkat ngayon ko natanggap ang alaalang ito. Ang bagay na ito ang magsisilbing alaala ko  ng ating maliligayang araw.

Maraming salamat sa inyong lahat.

(Dumating ako sa San Antonio I Elementary School, SY 2007-2008. Naging School Head ako, August 1, 2013.Ang araw na nilisan ko ang naging Atisan Elementary School, kung saan ako ay nagbabalik bilang isang lider ng paaralan.)

Friday, August 9, 2013

Bagong Kabanata

Isang panibagong yugto ang aking kakaharapin sa buhay, ang pagiging isang lider ng paaralan. 

Inihatid ako ng aking mga kasamahan, kapwa punongguro at mga supervisors sa paaralang aking bagong paglilingkuran, Biyernes, Agosto 1. Bilang pag welcome sa akin, nandoon din ang chairman ng barangay at mga konsehal mga pinuno ng PTA at mga guro sa Atisan Elementary School. Hanggang sa ako na ang magbibigay mensahe bilang bagong pinuno ng paaralan. Marami akong nasambit subalit ito lang ang mga salitang tumatak sa akin at nagbigay ng kaligayahan, nang sambitin ko ang mga salitang, "... at marahil maari ko na ring masambit na magandang araw rin sa aking mga kapwa school heads." Ang saya ko lalo't nakita ko na nagtanguan sila na sumasaangyon na ako ay isa na rin school head. 

Natapos ang araw na iyon sa isang pagpupulong sa mga bagong guro na aking makakasama sa ilang panahon. Hindi naman ako bago sa Atisan, sapagkat unang destino ko bilang guro sa pampublikong paaralan, dito rin ako napapunta. Ngayon, bilang bagong head teacher, dito ulit ako dinala.Sana makapagdala ako ng magandang pagbabago sa paaralan ito.

Thursday, August 8, 2013

Bagong Yugto

Home Coming



In terms of my career, perhaps, this is a new chapter. It's been years for now that we've been together and with that precious years, I can say... you've been with me in my life's journey.

But hey, it's the same old me... still, reminiscing my past... telling my life's reflection and sharing my thoughts to all of you, my dear readers.

This will be not the end but another start. A new chapter indeed. There will be more stories to tell and more lives to touch. But I can't promise this time that I could post them from time to time.

This time, I am moving to a far flung area--where internet connection would be hard most of the time. Where most of the unpaved roads going there could be muddy during rainy season. Or a long hike for hours going to that mountain area would be necessary if in case my old faithful motorcycle failed to run.

It has been the same old road that I once walked many years ago. I imagine myself going back there... as I close my eyes, I hear again the laughter of the people... most specially the children, whom I once taught as an educator. In my heart, there is this excitement to see again their smile. If before I am a little bit reserved, this time, I will let them to hug me and with all my love I would embrace them back.

The long road going there is now waiting for me. I need to start now my first step. I will now leave almost everything behind. I am now about to embrace a life that is new. But you can go with me... hike with me and touch lives with me...

I'll be away most of the time to my beloved family. Surely, my parent would miss me a lot. They will again suffer the sleepless nights, most especially, every time I can't patch a call when there were typhoons, road accidents, and school problems that needed to be resolved.

With full hope, I know that this would be a wonderful journey. A new journey to the hearts of the people that I will learn to love as my own. I accept that there will be pains in every step that I that will take because that would also mean that I'll be a step away farther to the people whom I now love as my own and about to leave this time. For now, I want to say to them... "goodbye... thank you for the precious moment... thank you for your gift of self."

On my road... my heart, I admit, is a little weary... yet, I am also too excited to this life's new challenges. I always pray that God will always be with me. With your prayers, I will endure this journey. Perhaps, this is my destiny... a destiny to fulfill... a destiny to live.

So long for now... I am now all packed for my most awaited homecoming.