Sila ang mga taong nagparamdam ng tunay na kapamilya.Sila rin ang mga taong naging maligaya at malungkot sa aking paglisan sa aking dating paaralan.
Salamat mga kasama ko sa San Antonio I teaching force,hindi nyo alam gaano ako naging maligaya, sa halos limang taong paglagi ko sa munting paaralan natin. Munti mang masasabi, subalit ang mga puso ng mga kapwa ko guro dito ay pawang busilak at mapagmahal nang tapat. Wagas ang paggalang at pagmamahal na naramdaman ko mula sa inyo. Ipinaramdam nyo na ako bilang dati ninyong kaguro ay inyong minahal at inaruga.
Kayo ang nagparamdam sa akin na ako ay isa na talagang ganap na lider ng isang paaralan,. Maliit na paraan man ang inyong iniwan sa akin, ito'y panghabambuhay ko ng kaligayahan. Ipinaramdam nyo sa akin na ako ay isang school head na talaga dahil sa pagbibigay nyo sa akin ng isang table tag na may nakalagay na "VIVENCIO S. PANGANIBAN JR." SCHOOL HEAD.
Napakasaya ko sa araw na ito, sapagkat ngayon ko natanggap ang alaalang ito. Ang bagay na ito ang magsisilbing alaala ko ng ating maliligayang araw.
Maraming salamat sa inyong lahat.
(Dumating ako sa San Antonio I Elementary School, SY 2007-2008. Naging School Head ako, August 1, 2013.Ang araw na nilisan ko ang naging Atisan Elementary School, kung saan ako ay nagbabalik bilang isang lider ng paaralan.)
No comments:
Post a Comment