Sunday, January 19, 2014

Naghihintay

Nagising siya sa katotohanang, mahirap magmahal.

Isang pagbabago sa kabanata ng kanyang buhay ang magmahal. Maramdamang ang pagmamahal na ito ang babago sa pagtibok ng kanyang puso.

Masarap ang unang araw na makasama ang minamahal. May mga araw na nais mong lagi siyang kasama sapagkat ninananais mong madama lagi ang kanyang paglalambing. Malambing siya, mabait.

"Sige na, ako na.Okey na.Maupo ka na lamang," mga matatamis na salitang kanyang binibitiwan. Mga salitang ginagamit niya sa tuwing sila'y magkasama.Hindi niya hinahayaang gumawa pa siya matapos lumabas sa trabaho.

"Pwede bang maging tayo?,"ang mahiwagang pangungusap na kanyang binitiwan na siyang gumising sa natutulog niyang puso.

Saan hahantong ang pag-ibig na ito?

Malimit niyang sinasabi, na masaya siya na naging bahagi siya ng kaniyang buhay. Ang sarap marinig sa iniibig. subalit, lumilipas ang mga araw, lingo at buwan, tila napapalitan ng pagdududa at pagseselos ang pakiramdam na iyon.

Selos na nagbubunga ng matinding pagdududa na nagdudulot nang pasakit sa puso ng taong nagmamahal. Bakit ganito ang kanyang pakiramdam?

Sa kabila ng mga ganoong pakiramdam, naroon at sa isang sulok ng marubdob na pag-ibig, nanatiling nagtitiis,dahil nagmamahal siya.

"May gagawin ka ba bukas?"aniya. "Wala ang kanyang isinagot." "Baka gusto mo akong i-date?""Sige."

Nagtakda ng oras ng pagkikita kinabukasan. Maaga siyang gumising sa panananbik sa muling pagkikita.Isang matamis na kabanata ang pagkikitang iyon, hindi makakalimutan.

Hindi niya kayang mangyaring ang isinugal na pagmamahal sa kanya ay bigla na lamang mawala. Handa niyang isuko ang lahat mapanindigan lamang ang desisyong magmahal hanggang wakas. Subalit, paanong magtatagal ang pag-ibig na sa simula pa lamang may paghadlang, may pagkatakot, ikinukubl.

Hanggang saan hahantong ang isinugal na pag-ibig ng taong sumisinta?Saan dadalhin ang kapalarang minsang binago ng isang pagnanais, ang magmahal at mahalin?

Hanggang saan?


Saturday, January 18, 2014

2014 RSPC at RFT

Abalang-abala ang mga puno at delegasyon para sa partisipasyon ng Dibisyon ng San Pablo sa 2014 Regional Schools Press Conference at Regional Festival of Talents, Jan. 26- Feb. 1.

Mauunang tumungo ang mga journalists para sa RSPC competition sa Jan 26, kung saan ito ang opening day ng presscon, na tatagal ng 3 araw, habang susundan ng RFT sa Jan 30-Feb. 1.

Dalawang intensive training ang isinagawa ng ating dibisyon upang matiyak ang kahandaan ng bawat participants sa nasabing kompetisyon kasama ang mga batikang manunulat at mamahayag mula sa ABS-CBN, kasabay ng dagdag na training na isinasagawa ng mga journalists sa kani-kanilang paaralan.

Mula sa disbisyon ng lunsod ng San Pablo, magiging puno ng delegasyon ang ating OIC-SDS, Gng. Susan DL. Oribiana, kasama sina Dr. Emelene Magtanong,EPS-I-English at Gng. Marilyn B. Capuno, EPS-I-Filipino, para sa RSPC at G. Ely Flores, EPS-I Social Studies, Gng. Evelyn Malabag, EPS-I, TLE at Dr. Consuelo Santos, EPS-I, Pre-Elem ng RFT delegation.

Kasama rin bilang executive committee ng ating ditrito, San Francisco, ang mga punungurong sina Gng. Jane G. Beron at G. Vivencio S. Panganiban.

Billeting quarters ng dibisyon ang Sampaloc Elementary School, Dasmarinas City, Cavite.

Ito ang paghahanda ng rehiyon sa darating na 2014 RSPC at RFT sa SBMA, Olongapo City, sa Abril.

Invitational Jamborette

Muli na namang magsasanib pwersa ang mga Scouts at Scouters sa isang invitational jamborette sa Makiling, Los Banos, Laguna, kasama ang mga councils mula sa CALABARZON, Maynila at Bicol regions sa Jan. 23-28.

Magiging abala at kapana-panabik ang pangyayaring ito sapagkat magiging panauhing pandangal ang hari ng bansang Sweden bilang tugon sa paanyaya ng bansa sa pagdalaw ng kamahalang hari ng Sweden (http://en.wikipedia.org/wiki/Carl_XVI_Gustaf_of_Sweden), sa pagbubukas ng jamborette sa unang araw.

Magiging maigting ang paghahanda upang ang lahat ay makapg-enjoy at masayahan sa mga inihandang activities ng mga regional staff, na kinabibilangan ng ilang training team ng lunsod ng San Pablo, kabilang ang dalawang training team ng San Francisco district na sina Sctr. Annabelle Aguila at sctr. Vivencio Panganiban




Anuman

Sa isang kubling lugar
Doon nalulumbay
Nagtatago't nangungulila
Pusong nag-iisa

Sa isang pangakong
Pilit na binabalikan
Isang salitang
Tanging Pinanghahawakan

Kaligayahan mo'y
akin nang dinarasal
Paglaya mo'y
Akin nang inaasam

Sa kubling gubat na iyon
Tanging isang ako
Tanging isang ikaw
Tanging Tayo,oo.