Nagising siya sa katotohanang, mahirap magmahal.
Isang pagbabago sa kabanata ng kanyang buhay ang magmahal. Maramdamang ang pagmamahal na ito ang babago sa pagtibok ng kanyang puso.
Masarap ang unang araw na makasama ang minamahal. May mga araw na nais mong lagi siyang kasama sapagkat ninananais mong madama lagi ang kanyang paglalambing. Malambing siya, mabait.
"Sige na, ako na.Okey na.Maupo ka na lamang," mga matatamis na salitang kanyang binibitiwan. Mga salitang ginagamit niya sa tuwing sila'y magkasama.Hindi niya hinahayaang gumawa pa siya matapos lumabas sa trabaho.
"Pwede bang maging tayo?,"ang mahiwagang pangungusap na kanyang binitiwan na siyang gumising sa natutulog niyang puso.
Saan hahantong ang pag-ibig na ito?
Malimit niyang sinasabi, na masaya siya na naging bahagi siya ng kaniyang buhay. Ang sarap marinig sa iniibig. subalit, lumilipas ang mga araw, lingo at buwan, tila napapalitan ng pagdududa at pagseselos ang pakiramdam na iyon.
Selos na nagbubunga ng matinding pagdududa na nagdudulot nang pasakit sa puso ng taong nagmamahal. Bakit ganito ang kanyang pakiramdam?
Sa kabila ng mga ganoong pakiramdam, naroon at sa isang sulok ng marubdob na pag-ibig, nanatiling nagtitiis,dahil nagmamahal siya.
"May gagawin ka ba bukas?"aniya. "Wala ang kanyang isinagot." "Baka gusto mo akong i-date?""Sige."
Nagtakda ng oras ng pagkikita kinabukasan. Maaga siyang gumising sa panananbik sa muling pagkikita.Isang matamis na kabanata ang pagkikitang iyon, hindi makakalimutan.
Hindi niya kayang mangyaring ang isinugal na pagmamahal sa kanya ay bigla na lamang mawala. Handa niyang isuko ang lahat mapanindigan lamang ang desisyong magmahal hanggang wakas. Subalit, paanong magtatagal ang pag-ibig na sa simula pa lamang may paghadlang, may pagkatakot, ikinukubl.
Hanggang saan hahantong ang isinugal na pag-ibig ng taong sumisinta?Saan dadalhin ang kapalarang minsang binago ng isang pagnanais, ang magmahal at mahalin?
Hanggang saan?
No comments:
Post a Comment