Sunday, June 29, 2014

Pag-uusap

Tumunog ang aking telepono, nakita ko ikaw ang may mensahe. Natuwa ako sa aking nakita sapagkat wala naman akong ibang maisip na dahilan bakit may mensahe ka ganitong oras, maghahating gabi na. Kasunod na tumawag ka sa ganitong oras ng gabi. Gabi na ito at malamang karamihan ng mga tao sa paligid tulog na.

Malambing ang iyong pamamaraan ng pananalita kahit sa simpleng text message lamang ito ramdam ko ang iyong pagkamalambing.

"Bakit ka tumawag?" ang tanong ko.

Wala lang. 

Dito malimit magsimula ang aming usapan na umaabot kung walang pasok ng madaling araw,literal na madaling araw.

Nagalit siya sa akin sapagkat ako raw ay isang sensitive na tao na dahilan doon nagiging insensitive ako sa mga bagay na hindi ko napapansin nasasaktan ko siya.
Kagabi, maliwanag ang aming usapan. Isang usapang naging daan upang maging maliwanag ang aming usapan. Nasabi nya ang ma bagay na dapat sana'y sasabihin ya ng personal. Subalit dala ng aking pagkamatahimik sa twing kame ay magkasama hindi nagkakaroon ng pagkakataong magkausap nang matagal.
Isang bagay ang aking napagtanto, may hinihntay ka at sa akin dapat magmula, subalit kailan ko dapat ito simulan?

Hindi ko alam, ang alam ko lihim kitang pinakamamahal.

Insensitive

Insensitive

  1. showing or feeling no concern for others' feelings.
    "an insensitive remark"

Thursday, June 26, 2014

Kakulangan

Kulang ang di kita makita
Kulang ang di kita makausap
Kulang ang di kita mabati
Kulang kapag di kita napangiti.

Kulang ang araw na wala ka
Kulang ang araw na di kita mapaligaya
Ikaw lang talaga
Ikaw ang mahal ko sinta.

Ang saglit na oras
Na ikaw ay makausap
At kagyat na sandaling tapunan ng ngiti
Ligayang walang patid.

Kahit saglit, kahit tilamsik
Ng pagpansin mo sa akin
Ligayang walang humpay
Ikaw lagi hinihintay. 

Thursday, June 19, 2014

Ang ating Daan

   
Isang umagang kasing ganda ng  isang bulaklak
Ang makita ka ay isang ligaya
Sa pinagtagpong landas na ating tinahak
Isang marilag na bukas aking nababakas.

   

Tulad ng hagdang kay tarik kung tingnan
Sa bawat hakbang ko'y ligayang walang para
Narating ang kaitaasan, kasama ka aking rilag
Tunay na pag-asa ating natanaw talaga.


Tahanan ng langit, ating natanaw
Tahanang magbubuklod sa mga pusong mapagsinta
Tanging ikaw lamang laman ng isipan
Kapahingan tanging sa yo natatanaw 


Matapos ang pagod na ating dinanas
Kay sarap isiping natapos ang paglalakbay
Sa tuwina'y iisipin walang hanggan kapara
Kasama kang may ngiti nabuo itong araw



Katulad ng likong daan ating pinagmasdan
Kailanman ay di nasaring sumuko sa kapalaran
Magandang damong ligaw tanging nais matanaw
Maganda talaga ang ating naging araw.

Sunday, June 15, 2014

Ulan Tikatik



Tubig mula sa kaitasan
Pinananabikan ninuman
Sa ilalim ng ulap
Sa bintana ng langit.

Sa isang hapong tahimik
Ako'y sumayang saglit
Tinig mo ang narinig
Kasabay ng ulang tikatik.

Kandadong pintuan
Kagyat talagang binuksan
Bawat hakbang ng paa mo
Sabik na sabik akong totoo

Pagpatak ng ulan 
Kasabay ng iyong pagdatal
Sa basang kapaligiran
Ikaw talaga ang tumambad.

Kay sarap na isipin
Kasukob ka aking giliw
Sa tulong ni ulan
Nagkalapit yaring damdamin.

Ang ligayang saglit
Magdamag inuulit
Ngiti sa labi ko
Dala hanggang umaga, totoo

Kailan darating
Ulang tikatik sa piling ko
Hinihintay ka o giliw ko
Marubdob sa puso ko.

Saturday, June 14, 2014

Walang Hanggang Bukas

Hindi ko man masabi
Pagmamahal sa iyo
Aking nadarama
Pilit itinatago

Kapag kasama ka
Tanging sobrang ligaya
Sana paghihiwalay
Di na dumating tuwina

Ikaw ang pangarap
Sa gabing mapaghagilap
Ikaw ang ninanais
Sa walang hanggang bukas

Sa aking pagtalikod
Sa nakaraang masalimuot
Tanging ala ala mo
Binabalikan ko dito

Naghihintay ako
Maghihintay ako
Hihintayin kita
Magkasama muli tayo.

Wednesday, June 4, 2014

Ngiti

Isang matamis na ngiti
Nagpapaligaya sa aking mga labi
Bawat dampi ng halik mo
Langit nadarama ko

Sa pagsintang iniibig
Ikaw ang tanging marikit
Sa twinang magkapiling
Wala talagang kahambing

Sa pagdatal ng umaga
Tanging ikaw ang pampasaya
Pampasigla ng umaga
Bumubuo sa aking alaala


Tuesday, June 3, 2014

Kaligayahan

Masasabi kong
Ikaw ang lahat sa akin
Ikaw ang aking ninanais
Ikaw lamang ikaw lang

Sa isang pag-uusap
Boses mo'y nagpaligaya
Marinig sa iyo
May gusto ka at ako

Ako ang nanaghoy
Sa ilang buwang paghihintay
Paghihintay na wagas
Pagmamahal na walang kupas

Aking baon sa pag-uwi
Ngiti mong nakakapawi
Mga pagod sa maghapon
Tanging alaala ay iyon

Salamat pag-ibig
Salamat sa iyo
Ramdam ko ang pag-ibig mo
Sa aking pusong nanunuyo

Sa ating muling pagtatagpo
Hayaan mong madama mo
Bawat halik ng labi ko
Ikaw ang inaasam nito.

Pagtatapat

Magkaulayaw tayo
Isang maghapong masiphayo
Bulong ko'y pinakawalan
Mahal kita alam mo ba?

Sa aking pagsambit
Bibig napapigil
Tanging kapalit nito'y
Ngiting kay tamis sa puso

Sa bawat paglapit
Ng puso kong nanabik
Ikaw lang ang hinihintay
Sa susunod na pagkakaniig

Hindi ko man maamin
Ikaw ang mahalaga sa akin
Tanging isaisip mo
Ikaw lang, kasama ako.

Pagnanais sa iyo
Langit ay tutunghin ko
Upang walang hanggan
Magkasama pa rin tayo.

Yakap

Sa ilalim ng malamig
Na simoy ng hangin
Gabing tahimik
Gabing may pananabik

Kamay mo'y hawak ko
Kaligayahan aking natamo
Sa isang sulok ng puso ko
Hinihiyaw pangalan mo

Sa pagdating ng umaga
Nais araw-araw ikaw makita
Sa pagmulat nitong mata
Ikaw lagi hinahanap twina

Sa muling pagtakbo
Nitong oras walang hinto
Kailan kaya muli
Ikaw mayayakap nitong puso?

Muli

Isang paalala
Ang sa akin ay nagpaligaya
Mensahe mo'y nakita
Nanaig ang pag-aasam sinta

Tanging ako lamang
Tanging ikaw lamang
Kung mahawi man ang ulap
Ikaw ang unang nais mahanap

Sa ating pagtatagpo
Damdamin ay nagpuyo
Pusong namimighati
Nabuo sa muling pagtatagpo

Bawat paghakbang ng paglayo
Kalungkutan ang nabuo
Subalit panalangin ko
Sa dulo muling magtagpo.