Tuesday, December 30, 2014

Bulong ng Puso

Flashback....
Nakaupo tayo sa isang kawayang upuan, sa harap ng isang ilog na tahimik na nakikinig sa usapan naten, hanggang sa bigla mong naitanong,
"kailan mo plano mag settledown?  "
Hindi kita nasagot nang diretso, kaya't na sambit ko " kapag may time. "

Subalit di ko tuwid masambit ang aking nais sambitin sa harap mo na, " mahal kita, di mo ba nadarama?"

Kung pwede ko lang sabihin nang mga panahong iyon na, "  mahal kita, pwede bang tayo na lang?"
Subalit walang lakas ang puso ko, walang tapang ang dila kong sambitin ang mga katagang iyon dahil ayokong mawala ka sa akin.

Ayokong magbago ka sa akin. Ayokong mawala ang pagkakaibigan natin. Dahil sabi mo hindi mo gusto ang kaibigang magmahal sa iyo nang higit sa ipinapakita mo.

Natakot ako. Mas pinili kong maging alipin ng sarili kong pagnanais. Ninais kong itago at ilihim sa iyo ang damdaming nais kong pakawalan sa iyo.

Matama lang akong nakatingin sa kalawakan. Matama kong nililingon ang mga bituin sa langit. Nanalanging sana, mayakap kang muli. Sana ikaw at ako maging laban man sa mundo.

No comments:

Post a Comment