Tuesday, July 28, 2015

Nandito Lang Ako

Nanahimik akong anuman ang isipin mo ay tinatanggap ko. Subalit anuman ang mangyari mananatili ka dito sa puso at isipan ko. Mahalagang tanggapin na ang bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang naisin, hangarin, desisyon at pinag-iisipan subalit ikaw man ay aking iniisip rin.

Sa sandaling nalisan ang bahagi ng kahapon, ikaw ay hindi naalis sa bahagi at banda roon. Ang aking kaagapay sa aking pamamahinga, kaagapay sa aking pag-iisa at kaagapay sa aking pakikibaka sa pagsubok ng buhay twina. Lakas loob ko itong tinatanggap dahil kahit malayo ka nandito ang iyong presensya.


Marahil anaki ang ang aking pagsubok, di ko na alintana dahil sa iyong pagsinta. Anuman ang naisin pag-ibig pa rin ang tanging magdidikta ng isang masayang bukas twina talaga.

No comments:

Post a Comment