Sunday, August 23, 2015

Dati rati

Kay sarap balikan
Masayang ala ala natin
Kay inam titigan
Masayang araw natin

Kung sa pag ibig natin
Ikaw ang iisipin
Masayang sandali natin
Pang habambuhay mandin

Kay gandang larawan
Sa likas na linang
May pitak sa puso
May kirot sa akin

Kasalanan mang isipin
Nakaraan natin
Kung magkagayon man
Ipagpatawad pa rin

Tanging panalangin
Giliw akoy dinggin
Iisang mithii 
Muli ikaw maging akin

Sa pag uusigpa rin
Di na rin maisapuso giliw
Tanging pag asa nga
Bukas ligaya walang maliw

No comments:

Post a Comment