Friday, April 3, 2015

Kay Tagal Na...

Kay tagal nang panahong aking pinaghintay
Ang makasama ka, kay tagal kong ibinubulong
Sa matagal na panahong usapay hanggang doon
Magkakatotoo ba yaring idinudulog?

Darating ka, sambit mo sa akin
Pangatog na damdamin di mawari ang pintig
Kasiyahan man din hanggang dulo aking giliw
Sa pagkakataong ito, hinihintay ko ikaw giw ko.

Matamang naghihintay sa iyong pagdating
Siphayo ng damdamin nais mapawi aking giliw
Hanggang saan aabot, hanggang kailan matatanto
Ikaw na iniirog ko, tanggapin damdamin ko.

Matagal na panahon, tuyong dahon nahulog na
Subalit tulad ng araw, may bukas pa hirang
Heto ngat makakasama ka, di langbsa panaginip sinta
Asam ng damdamin magkakatotoo na.

Sa rilim nito gabi, alaala ko aking sinta
Kayakap ka at kapiling hanggang sa mag umaga
Halik ng labi mo ninanasa sa twina
Yakap at pagniig natin di malilimutan sinta.

Kay tagal nang panahon, pagkakatao'y nawaglit
Kailan kaya mauulit, kailan kaya o aking giliw?
Halik at yakap mo'y aki nang ninanais
Pagbabalik mo, kailan kaya mauulit?

No comments:

Post a Comment