Sunday, March 29, 2015

Pagnanais

Sa isang sulok ng pag iisa nabata ko ang aking pangungulila.

Nasaan ka aking sinisinta? Sa isang marilim  na sulok ng daigdig, tanging ikaw lamang ang isinisigaw nitong aking puso at isipan. Nasanay akong narito ka sa aking piling sa iilang panahong tayo ay nagkakasama. Ni hindi ko maamin na iakw lamang ang aking ninananis.

Sana sa isang pagkakataon, masabi kong tanging ikaw lamang ang aking hinahangad sa buong buhay.
Ang pag-ibig na iniaalay sa iyo o aking sinta ikaw lamang ang taniging ligaya nitong pusong nalulumbay.

Sa katapatang ikaw lamang ang naisin, walang patid ang aking panalangin na sana ay dinggin ang pusong nagunghulila, ang isang taong umiibig. Walang parangyang kayang ibigay ang lahat ang ikaw lamang ay masilayan, mahagkan at makapiling sa gabing nag-iisa.

Sana sa isang panahin nandun ka naghihintay sa dulo ng walang hanggan.

No comments:

Post a Comment