Habang naghihintay ako sa isang sulok naisip kong magmuni-muni sa mga pangyayaring naganap sa aking buhay sa mga panahong ako ay nasa Regional Schools P{ress Competition na siyang dahilan kung bakit k kami ay napdpad sa dakong lungsod ng Lucena, lalawigan ng quezon.
Ninais ko man ang maging palakaibigan sa mga taong aking nakakasalamuha, ni hindi ko ito masyadong magawa, masama ang aking pakiramdam dahil sa ubong aking nararanasan, tuyo at mahirap ang pag-ubo.
Dito sa isang silungan, sa tent ng mga taga- Rizal Division natapuan ko ang aking panandaling katahimikan.
Iilan ang aking nakakasama sa panandaliang pagtigil sa lugar na ito, subalit naroon at naramdaman ko ang pagiging isang palakaibigan. Ninanais ng aking sarili ang makisalamuha pa, subalit ang kawalan ko nang gana sa pakikipag-usap ay lumalalabas, lalo pa't hindi maganda ang aking nararamdaman.
Natutuwa na lamng ako sa pakikinig sa kabilang bahagi ng tent na nagbiobiruan, sikat na talaga si Budoy.
Hay, Budoy, akala ko si Elisa lamang ang magiging kontrobersyal at magiging bukambibig ng mga tao, subalit eto ka na nga at naging bahagi ka na rin sa mga usapan ng sinuman, mapa-bata, simpleng tao, professional at maging sinuman, hahahahaha, napatawa mo tuloy ako, "Ako Budoy!"
No comments:
Post a Comment