Monday, December 12, 2011

Ikaw ang Dahilan

Sana nga maramdaman namin ang halaga namin sa iyo...

Nauunawaan namin ang bigat ng halaga ng bawat desisyon na iyong bibitawan. Alam namin ang iyong bawat isipin ay may malalim na dahilan. Unawa namin ang iyong kalagayan.

Minsan, hindi namin maubos maisip may halaga ba kami sa iyo?

Sana maramdaman namin ito. Hindi namin hinangad na maging una sa listhan mo, ang amin lang ang mga salitang binitiwan, sana naman ay maging huwaran ng iyong magandang katauhan.

Binalak na ng grupo ang magtungo sa Puerto Galera, isa sa mga lugar na dayuhin ng mga turista kapalit ng marangyang Boracay sa Aklan. Bukod sa mas mura na ang pagtungo rito, may mga turista na rin ang nahihilig rito sapagkat may bahaging nakakahawig na rin ito ng Boracay o Bora sa karamihan.

Magandang beach resorts, magagandang pasyalan, magagandang musika at mga banda sa gabi na nagbibigay ng dagdag na liwanag at sigla sa indyog ng malamig na hangin sa dalampasigan. Subalit sa kabila ng maraming skedyul na nagtagpi-tagpi ninais ng grupo na ipagpliban ang pagtungo rito upang mas makapagbigy ng higit na atensyon sa isang dahilan, ang mabuo ang grupo.

Ilan kasi sa mga kasama ay hindi makakasama dahil sa dami ng dahilan,o sige ituloy ang bonding sa isang resort malapit sa atin. Itinuloy na nga at ito ay sa Laguna na lamang.

Agua de Caliente, dito napili ng grupo na manatili. Malawak ang room at maayos na rin ang rate kumpra sa dating tinutuluyan. Isa ang nawala sa grupo. Malungkot man sa dahilang hindi ito kumpleto ay pinilit pa ring maging masaya.

"Susunod ako, sunduin ako sa Calamba." Iyan ang tagubilin ng isa sa kasama, Masaya na nagtungo ang lahat sa lugar na nais puntahan.

Maaga pa lang. Ito na ang sagot sa text, "hindi na ako magpapasundo,sorry."

Minsan na nga lang, hindi na siguro ito mabubuo pa. Kung ikaw ay laging may dahilan na hindi sasama sa grupo sige magpakasaya ka sa sinuman ang iyong nais samahan, hindi naman bitter pero nagtatanong lang, hanggang kailan ang ganitong pakikisama?May bukas ba na maari ka pang hintayin o tama nang maging bahagi ka na lang ng isang masayang umaga na naging bangungot sa dilim ng gabi sa ilalim ng nagdidilim na liwanag ng buwan sa kadawagan?

Minsan na nga lang...

No comments:

Post a Comment