Sunday, December 4, 2011
Hindi Maka- Get Over
Hahahahahaha...hahahahaha. Ito ang maririnig mo sa akin at aking mga kaibigan dahil sa kasiyahan.
Narito na naman ang mga magkakaibigang hindi maka-get over. Nanjan ang malusog na si Mam Daniela, also known as "kb", anuman ang ibig sabihin ay sa amin na lamang iyon, hahahahaha, narito rin si Nine, si Bb. Pilipinas, si Papa P na naging Papa D, si Yohey at syempre ako, anuman ang tawag sa akin, wala akong nickname, sorry, hahahaha,anuman ang ibig sabihin ng mga ito kami na lang at amin na lamang.
Nagsimula ang aming samahan sa isang pagtitipon. Hindi mo inakalang ang aming samahang ito ay magtatagal ng ganito na kung hindi magkikita minsan sa isang linggo ay kulang ang pagiging buo ng grupo. Nananatiling mainit ang pagnanais na magkita sa siang lingo bawat mga miyembro.
Mayroon mang malimit ay liban sa pagkikita, kapag nagkita naman nandun ang hihikain ka talaga sa pagtawa dahil sa paghaharutan at pagbibiruan.
Walang ginagawa kundi ang maghilhilan, magtawanan, at magbiruan subalit lagi na lamang ninanais na makita ang isa't isa.
Paboritong tambayan ang "Taza Mia" malapit sa isang videoke house na lagi na lamang iniloloko kay hindi pantay dahil minsang napadaan ay nawala na ang digital cam, biro namin siyang ibinayad dahil nag-table walang pambayad.
Narito naman si "kb" na lagi na lamang handda kahit anong panahon, malusog man magaan pa rin ang katawan. May asawa at anak man, hindi alintana, dahil maunawain naman ang kanyang kabiyak.
Si Nine, na nasa ibayong dagat ang kabiyak, ay nagpapalipas at napapawi ang lumbay sa tuwing kasama ang grupo. Haist, miss na ang Papa K.
Si Bb. Pilipinas, na may pagkamahinhin ay nagpapamalas naman pa rin ng pagka-masayahin sa anumang panahon, kahit na may sakit na nararamdaman, ay sige pa rin nang sige, tawa pa rin. Tawa nang tawa.
Si Papa P, na anging Papa D ang isa sa mailap sa grupo. Minsanan na nga lang, pero humahanap pa rin siya ng lusot upang makarating sa tagpuan ng grupo.
Si ako, ang malimit na inihahatid ng aming bayan, hindi bahay dahil malayo kami sa kabayanan, ay laging mahilig magyaya pauwi, dahil kailangan kong umuwi ng maaga dahil sa malayo pa ang tatahakin patungo sa bahay.
Haist, anuman ang mga dahilan, lahat na inisip magkita lamang. kawawang publishing house, kawawang printer na hindi pa magawa-gawa at kawawang chairman, na lagi na lamang puno ng dahilan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment