Balik tanaw sa kahapong nagdaan.
Magkikita tayo nang panahong iyon. Una ninais ko lamang makita ka at malamang maayos ka dahil sa tagal na rin namang hindi tayo nagkikita. Araw,lingo,buwan ang mga lumipas tanging ilang komunikasyon lamang ang ating nagagawa.
May pagtatampo ka subalit kagyat mo akong naiintindihan sa mga oras na iyon. Magkikita tayo , tumatalon dibdib ko. Kay ligaya nitong puso ko na sa ilang linggong di kita nakikita boses mo, labi mo, mata mo ika mismo mayayakap ko.
Ni hindi ko makuhang tingnan ka nang diretso sa iyong mga mata. Baka makita mong nanabik akong masilayan ka. Subalit iyon talaga ang totoo. Narinig ko boses mo. Huh,grabe sobrang lundag ng puso ko. Halik,yakap, ikaw mismo na miss ko kinapanabikan ko. Ihahatid na kita. Magkakalayo na naman tayo nang saglit subalit alam kong bukas, sa isang araw, sa isang linggo,sa isang buwan magkikitang muli tayo.
Hinihintay ko ang bukas na makita muli ikaw aking pagsinta.
No comments:
Post a Comment