Mahal kita dama mo yan.
Di ko man masabi nang diretso mula sa labi ko ipinadarama ko iniibig kita. Magkalayong mundo natin ay pinagtatagpo ng iisang silakbo ng damdamin, ang pag- ibig.
Anaki' y di ko makuhang ipagtapat ang nasa loob sapagkat ako' y napapatda. Ang minsanang pagkikita ay nakapagbibigay sa akin ng ibayong sigla at ligaya. Tinadhana na sigurong mahalin kita sa dako pa roon.
Ang mga halik mo at yakap tibok ng yong dibdib nais kong marinig minsan muli,sa isang saglit. Maulit ang mga sandaling nagpapabilis ng tibok nitong dibdib.
Mga sandaling nakakulong sa isang sulok na nagbibigay ng masidhing pagsinta, pag - ibig sa bawat isa. Pakawalan ko man ang marubdob na pag- ibig init ng bawat bisig dama ng buong daigdig. Kasama kita sa tuwa, karamay sa sakit at kaagapay sa pagsinta.
Nais kong maulit ang mga sandaling yakap kita,hinahagkan kita, bisig naten magkayap sa buong magdamag tanging ihip ng hangin ang sa atin ay nagmamatyag at nagbibigay ng kakaibang lamig sa magdamag upang maibsan init nitong nadarama.
Iniibig kita, di ko masabi subalit sana dama mo aking sinta.
No comments:
Post a Comment