Nabasa ko sa post habang naghihintay akong mag open nang maayos ang fb account ko.
"Darating yung point sa buhay naten may makikilala tayo at masasabi nateng kame lang ang pwedeng magkaganun kasi iba ang pinagsamahan namen. "
Tama. May taong sadyang di inaasahang darating at magiging bahagi ng ating buhay sa kung anong kadahilanan iisa lang ang nakakaalam.
Walang dahilan, subalit bigla tayong nagkakakilala. Walang kaabog abog nakita ko masaya ako kapag kasama ka. Madama mo man ito o hindi halik man o yakap mo kinapapanabikan ko. Kay sarap isiping ang minsang nakaw na sandali sa ating buhay ay nagaganap upang maramdaman naten ang init ng isa' t isa. Gaano man kadalas ang minsan hindi na ito mahalaga. Ang mahalaga kahit paano tila tayong dalawa ay lumiligaya. Sa dako pa roon dumarating ang punto ng pag iibang landas subalit anuman ang mangyari ang pangyayaring naganap ay muli' t muli kong hihintayin upang sa ilalim ng sinag ng buwan at kislap ng mga bituin isa' t isa' y mayakap, mahagkan at masabing ikaw at ako para sa mundo.
Ikaw at ako na ang tanging makakaunawa sa damdaming nagpupuyos sa ating damdamin. Anuman ang kalabasan tanging dalangin ko wag kang bibitiw, huwag kang lalayo, mahal kita alam mo yan.
No comments:
Post a Comment