Kasalanan, kapatawaran at kapanatagan....
Nilalang ang tao upang syang mangalaga sa nilikha ng nasa kaitaasan, subalit natukso tayo kung kaya't ang paraisong ipinangako ng Diyos ay nagkaroon ng paghihirap, kaguluhan. Subalit ipinangako Niya na bukas ang tahanan Niya sa sinumang nais humingi ng kapatawaran upang magkaroon ng kapanatagan.
Tila kaakibat na ng tao ang magkasala, madarang sa tawag ng mundo. Tila hindi lamang iisang beses tayo nakakagawa ng kasalanan. Ang makiapid sa di asawa, ang makipagtalik sa di pa asawa gayundin ang makipagrelasyon sa kapwa lalake o babae. Mga gawaing laganap sa daigdig. May mga bansang tuwid na itinutiring ang makapag asawa ng kapwa sekso, ang makipaghiwalay sa pamamagitan ng deborsyo. Ayon sa isang pag-aaral na aking nabasa, dalawa na lamang sa buong mundo ang hindi tinatanggap ang deborsyo bilang legal na paghihiwalay upang makapangasawa muli, ang Pilipinas at Vatican. Mga bansang katoliko ang pangunahing relihiyon.
Ang makipag relasyon sa kapwa lalake o babae ay isang itinuturing na kasalanan, subalit bakit marami ang nadadarang sa ganitong gawain. Wika nga sa isang pilosopong kasabihan, talagang malimit "masarap gawin ang bawal." Nandun ang thrill, nandun ang saya, nandun ang ligaya subalit, nagsasaya ang kaluluwa sa makamundong gawain. Lumuluha man ang langit sa ganitong gawain subalit tila kakambal ng pag unlad ang pagkasira kung minsan ng moralidad ng sangkatauhan.
Laganap ang cybersex, yung sa tulong ng internet maari nang makipagtalik ang sinuman gamit ang kamera ng kompyuter at internet. Laganap na rin ang iba't ibang pamamaraan ng pagbibili ng laman. Nakalulungkot isipin subalit ang mga ito rin ang sanhi ng di nalulunasang sakit sa buong mundo na mula na rin sa unggoy, ayon sa isang pagsusuri, ang AIDS o acquired imuno deficiency syndrome.Sa ilang lugar sa Pilipinas dahil sa talamak na bentahan ng laman, madali na rin itong nakukuha sa pamamagitan ng di ligtas na pakikipagtalik.
Nasaan ang wastong edukasyon na mula pre elem hanggang kolehiyo ay itinuturo ng isang guro. Subalit nakalulungkot mang isipin, may mga pagkakataong mismong guro rin ay sangkot sa di magandang gawain katulad ng sexual harassment. Ang kakaunting kaligayahang nakukuha sa pang aabuso ng kabataan ay nagiging kapalit ang panghabambuhay na pagdurusa. Ang mga sinasabi nating mga taong simbahan ay ganundin. Hindi lahat subalit mga kasong iilan na di pa lubusang nabibigyang kalutasan malamang ay dahil sa kakulangan ng ebidensya o sa katakutan na rin. Subalit, pawang nagdadala ang bawat isa sa buklod ng kasalanan.
Lahat ng tao ay nagkakasala. Mismong ilang mga sinsamba nating mga santo ay hindi naman talaga santo agad ang kanilang pamumuhay. May magnanakaw, may nabulid sa apoy ng kasalanan subalit binigyan ng Panginoon ng pangalawang pagkakataon upang maipangalat ang totoong salita ng Diyos. Pinatutunayan lamang ng lahat ng ito na anuman ang ating nagawang kasalanan, may kapatawaran sa taong taimtim ang pagdurusa sa nagawang kamalian sa buhay.
Wika nga, "hindi pa huli ang lahat." Nasa huli talaga ang pagsisi, kailangan lamang talaga na magsisi o pagsisihan ang nagawang kasalanan at matuto sa nagawa. Hindi natutulog ang nasa itaas. Sabi nga 24/7 Siyang nakatungo sa atin . Naghihintay sa ating pagbabalik loob. Naghihintay sa alibughang anak. Sa paghingi ng kapatwaran nandun ang kapanatagan naghihintay ang buhay na walang hanggan.
No comments:
Post a Comment