Wednesday, January 11, 2012

2012

Tapos na ang 2011.

Kailan lang nang pumasok ang nasabing taong, subalit heto at hinayaan na natin siyang pumalaot sa alaala na lamang ng bawat isa sa atin.

Heto na si 2012.

Pumasok ang taong ito, puno ang hapag. Naghanda si Inay ng pansit at sopas, gayundin ang spaghetti. Hindi naman nawawala ang mga pagkaing ito na nagsisimbolo raw ng pagkakaroon ng mahabang buhay. Gayundin ang mga gelatin at leche flan na siyang magbibigay ng sarap at tamis sa pagsasama ng bawat miyembro ng pamilya, lalo’t higit ang tikoy o kalamay na talaga raw namang magpapadikit ng samahan at pagpapakapit ng swerte sa taong darating. Iyan ang mga pagkaing ilang pinaniniwalaang may hatit na magandang resulta sa bawat isa.

Heto na nga at 2012 na. ang taong pinaniniwalaang magbibigay ng swerte . Subalit, narinig na ang putok, gayundin ang maliliwanag na pailaw sa paligid. Heto na nga at sinalubong ng hatinggabing maaliwalas na klima ang bagong taon. Siksik sa handa ang hapag, bawat isa’y mahalaga.

Ano pa at bawat isa’y naghahangad ng swerte at magandang pasok lalo na ng pananalapi.

Isa sa may pinakamalimit na hiling tuwing lilipas ang taon ay iwan ang malas  at sa taong darating ay ang pagdating ng swerte. Lahat na ng tao, pera ang nasa isip. Wala tayong magagwa roon. Ito ang pangangailangang higit ng sinuman. Subalit sa taong ito, hayaan natin na ipagpatuloy ng bawat isa ang pagmamahal at matibay na pananalig sa Poong Lumikha.

Ipagpatuloy natin ang masarap na salosalo sa hapag ng kahit hindi mamahaling pagkain ay mga pagkaing patuloy na magpapatibay ng samahan n gating pamilya.


Busog na ang bawat miyembro ng pamilya. Heto na at tinanggap natin ang taong 2012. Sana ang mamutawi sa isa’t isa ay ang pag-ibig, pang-unawa at pagkakaisa. Masarap isiping dahil sa mga ito, patuloy na yayabong ang magandang samahan ng isang pamilya kasama sa pag-asang magandang 2012 ang sasalubungin at mararanasan saa buong araw, lingo, buwan ng taong dumating.

No comments:

Post a Comment